HINDI lang basta performer bagkus isa ring inspirasyon para sa iba ang tinaguriang nation’s P-pop group na BINI na binubuo nina Aiah, Jhoanna, Sheena, Mikha, Maloi, Stacey, Gwen, at Colet.
Nitong Linggo, January 19, nakapanayam ni Bernadette Sembrano sa kanyang show na “Tao Po!” ang isang cancer survivor na si Porsha Nicolas at dito ay naikuwento ng dalaga ang naging role ng Ppop group sa kanyang pakikipaglaban sa sakit.
“By some stroke of magic ng universe, nagpapatugtog po yung pinsan ko ng [kanta ng] BINI sa sasakyan tapos inaasar ko siya…” kwento ni Porsha.
Kasalukuyan raw nilang pinapakinggan noon ang kantang “Salamin,Salamin” at doon na nga nagsimula ang pagkahumaling ng dalaga sa Ppop group.
Baka Bet Mo: Rochelle sa SexBomb Girls-BINI showdown: Siguro nu’ng bata-bata kami
At mula noon ay nagsimula na si Porsha na alamin ang istorya ng BINI at doon na siya na-inlove sa girl group na siyang naging inspirasyon niya para labanan ang sakit.
“They didn’t give up against all odds. Eventhough they’re young women, they are wise beyond their years. ‘Yung perspective nila in life, nakatulong sa akin. I feel like I’m trying to control my life. Nagka-cancer ako, hindi ko naman mako-control ‘yun. So parang I just have to have faith in life,” sey ni Porsha.
Kaya naman talagang tumatak sa kanya ang lyrics nang marinig niya ang kanta ng BINI na “Karera”.
“So ‘yun po talaga ‘yung parang something changed within me na tama ang sinasabi ng mga ito,” dagdag pa niya.
“Kapag pasuko na ako, sinasabi ng mga nurse sa akin na ‘Kaya mo pa yan! Manonood ka pa ng BINI di ba? So kapag po may gagawin sa akin na mahirap o masakit, nagpapatugtog po ng BINI para maibsan yung sakit,” kuwento pa niya.
Sa social media nga ay ibinabahagi ni Porsha ang kanyang cancer journey upang maka-inspire rin gaya ng kung paano siya na-inspire ng grupo.
“Since na-inspire nga ako sa BINI, I want to pay it forward na gusto ko rin ma-share yung how they inspired me. I share my story lang na ma-inspire sa pinagdaanan ko. Parang I think that would make it worth it,” lahad pa ni Porsha.
“They saved my life, Binigyan ako ng bagong will to keep going. Parang na-inspire ako to keep fighting and try to fulfill my purpose in life,” dagdag pa niya.