Heart hinimatay sa Fashion Week; nangakong magtitipid ngayong 2025

Heart hinimatay sa Fashion Week, nangakong magtitipid ngayong 2025

Heart Evangelista at Chiz Escudero

HINIMATAY ang Kapuso actress at international fashion icon na si Heart Evangelista sa isang fashion event na dinaluhan niya sa ibang bansa.

Binalikan ng aktres ang mga panahong todo-todo ang ginagawa niyang pagtatrabaho para lamang mabili ang gusto niyang mga gamit.

“Hinimatay na ‘ko sa Fashion Week kasi alam ko na nagsa-suffer na ‘yong health ko over and beyond just to get the bag, just to get the jacket.

Baka Bet Mo: BINI itinigil ang performance sa Bangus Festival; ilang fans hinimatay

“These ridiculous things na ginagamit ko naman sa trabaho ko but I will not use that anymore to justify,” ang pahayag ni Heart sa nakaraang episode ng “Heart World” nitong Sabado, January 18.


Kaya naman this year, nagbitiw ng pangako si Heart na pagsapit ng kanyang 40th birthday sa February 14 ay magiging conscious na siya sa budget.

“Hindi naman sa ‘di ako gagastos. I know how it feels na magtrabaho, kumayod talaga dahil gusto ko nito kasi I’m lucky, privileged ako na ‘di naman ako naging breadwinner in a sense sa pamilya ko.

“Pero, ibig sabihin, lahat ng mayroon ako, lahat ng suot ko, pinagtrabahuhan ko, as in talagang pinagpuyatan ko, talagang pinilit ko ‘yan para mabili lahat ng meron ako,” aniya pa.

Aminado rin si Heart na tumatanda na rin siya at nakakaramdam na ng matinding pagod, “But now as I get older, I really feel tired. Iba na talaga ‘yung dating sa ‘kin, kahit Fashion Week.”

Nabanggit din ni Heart ang chikang pera ng asawa niyang si Senate President Chiz Escudero ang ginagamit niya sa kanyang pagsa-shopping, “Iniisip kasi ng tao na ginagastusan mo ako.”

Ipinagtanggol naman ni Sen. Chiz ang kanyang misis sa paggastos nito. Aniya, may prenup agreement daw sila ng aktres.

“Kahit na may prenup kami, sa dulo, pareho pa rin ‘yun. Kasi kung meron siya at wala ako, e ‘di siya ang magpupuno nu’n. Kung wala siya at meron ako, e ‘di ako rin naman magpupuno nu’n,” sabi pa niya.

Read more...