Loveteam nina RYZZA MAE at BIMBY magiging mahigpit na kalaban nina DANIEL at KATHRYN


“NAGPADAGDAG ako sa finale na mas may tili, pinadagdagan ko ang heroism ni Daniel Padilla na kahit tipong mamatay na siya ay ipagtatanggol pa rin niya si Kathryn Bernardo!” Ito ang paliwanag ni Skylight Films head Enrico Santos nang tanungin namin kung bakit nag-shooting uli sila para sa “Pagpag” entry nila sa 2013 Metro Manila Film Festival.

“Pinabalik ko pa ‘yung explanation ng mga superstitions para sa younger viewers para maintindihan nila ang pamahiin na pagpag, kasi baka kaedad ko lang ang makaintindi,” sabi pa ni Enrico sabay hirit ng, “Gusto kong mag-top-grosser ang Pagpag.”

Tapos na kasi ang shooting ng pelikulang pagbibidahan nina Daniel at Kathryn pero kinailangan nga nila uling mag-shooting para magdagdag ng mga eskena para mas lalong matakot ang viewers.

Nabanggit namin na baka maglaban sa pagiging number one sa box-office ang “Pagpag” at “My Little Bossings” nina Bimby, Ryzza Mae Dizon at Vic Sotto.

Pero kung sa talent fee ibabase ay mas hamak na mas mababa ang bayad kina Daniel at Kathryn at hindi rin kalakihan ang production cost nito kumpara sa “My Little Bossings” na siguradong napakalaki na agad ng budget sa TF pa lang kina Bimby at Vic? Si Ryzza Mae kasi baka maliit pa lang ang bayad dahil nga nagsisimula pa lang.

( Photo credit to Google )

Read more...