John Arcilla sa nasibak na sekyu: Bakit kailangang wasakin yung tinda ng bata?

John Arcilla sa nasibak na sekyu: Bakit kailangang wasakin yung tinda ng bata?

John Arcilla, viral video

NAGPUPUYOS sa galit ang mga taong nakapanood ng viral video ng batang sampaguita vendor na pinaalis ng security guard sa hagdan ng isang shopping mall sa Mandaluyong City.

May mga kumampi sa naturang sekyu pero mas marami pa rin ang bumatikos sa kanya na sumang-ayon din sa desisyon ng management ng mall na sibakin siya agad sa trabaho.

Awang-awa ang mga netizens sa batang babaeng nagtitinda ng sampaguita sa labas ng mall na nakasuot pa ng school uniform habang itinataboy ng tinanggal na security guard.

Kitang-kita sa naturang video ang pagiging bayolente ng security guard sa pagpapaalis sa bata na nakaupo sa hagdan sa labas ng nasabing mall.

Baka Bet Mo: Ogie sa viral video ng batang nagtitinda: ‘Walang contest ng paramihan ng anak!’

Hinablot pa ng sekyu ang mga sampaguitang hawak ng bata kaya natanggal ang mga bulaklak mula sa pagkakatali nito.

Kasunod nito, hinampas ng estudyante ang security guard ng natitirang sampaguita sa kanyang kamay pero ginantihan siya ng lalaki at sinipa nga ang bata, base pa rin sa napanood naming viral video.

Lahat ng nabasa naming komento sa social media ay nagpahiwatig ng galit sa security guard at nagsabing dapat daw itong parusahan at tanggalin agad sa trabaho.

Naglabas na rin ng official statement ang shopping mall: “We regret and sympathize with the young girl who experienced an unfortunate incident outside our mall.

“We have called the attention of the security agency to conduct an immediate and thorough investigation.

“The Security Guard has been dismissed and will no longer be allowed to service any of our malls.

“As SM Supermalls always promotes inclusivity for all, we strongly condemn this act committed against her.”

Isa sa mga unang celebrities na nag-react sa viral video ng sampaguita vendor ay ang internationally-acclaimed actor at “Lolong: Bayani ng Bayan” star na si John Arcilla.

Ni-repost ni John ang video sa kanyang Facebook page kalakip ang kanyang saloobin sa nangyari.

“Kung hindi miserable at hindi mahirap ang buhay ng bata, magtitinda kaya siya ng Sampaguita o magpapanggap na Estudiyante kung may iba siyang paraan ng pagkakakitaan?

“Mahirap na nga ang buhay niya, papahirapin pa natin? Such a sad video to watch. Nag hahanap buhay yung bata.

“Bakit kailangan wasakin yung tinda niya? Hindi ko masisi ang bata kung bakit nagalit. Bakit may mga Guard o taong ganito?

“Sana may kunsiderasyon. When we are in authority and we use it to mistreat someone we outrank, what kind of person are we? Sana ay mabigyan ng tamang leksiyon ang Guard,” ang buong post ni John Arcilla.

Read more...