MAS gusto na lang mag-focus ng Star of The New Gen na si Jillian Ward sa pagtatrabaho kesa sagutin ang naging pahayag ni Sofia Pablo tungkol sa kanilang “feud.”
Sinagot ng Kapuso young actress ang rebelasyon ni Sofia hinggil sa umano’y hindi nila pagkakaunawaan na taon na raw ngayon ang binibilang mula pa noong magkasama sila sa “Prima Donnas.”
Pahayag ni Sofia interview ng GMA tungkol sa umano’y issue nila ni Jillian, “Actually, lagi siyang natatanong sa ‘kin and I’ve always said na hindi kami magkaaway, hindi rin kami magkasundo or something.
“Pero the truth is, I say that para iwas na issue sa amin both. Kumbaga, it’s a feud na sobrang tagal na. I think one of the things kaya ‘di namin siya naayos is because we never got to talk about it,” aniya pa.
Baka Bet Mo: Jillian Ward alagang-alaga ni Michael Sager sa taping, kilig-kiligan yarn?
Nag-start daw ito sa first season ng dati nilang afternoon series sa GMA na “Prima Donnas” noong 2019, “Nagulat na lang ako biglang hindi na. Ganu’n ‘yung nangyari sa amin.
“After nu’n, we never talked anymore. We’re close tapos biglang wala na. Like literal wala na, in a snap, wala pong buwelo na ilangan. Literal, stopped,” sey ni Sofia.
Sa interview rin ng GMA, sinagot ito naman ito Jillian, “Ako po kasi, again, I’m doing so much in my life, I don’t have time to fight with anyone. So hindi ko po alam saan nanggaling ang narrative na ‘yun or fighting.
“I’m doing different things and I’m self-reflecting still ‘yung sa separation ng parents ko,” depensa pa ng Kapuso youngstar sa panayam ng “24 Oras”.
Pag-amin pa ng “My Ilonggo Girl” lead star, “I’m just confused on what’s happening. I feel like what we need right now with everyone is to focus on ourselves and to be very honest with everyone around us and with ourselves.”
Hangga’t maaari ay ayaw nang pagtuunan ng pansin ni Jillian ang kanegahan, “I’m so happy with my blessings. I’m so happy to be surrounded with honest and very loving, loyal people like Michael (Sager, leading man niya sa My Ilonggo Girl).”