Vic Sotto wala pang maintenance sa edad 70: Good health is a gift

Vic Sotto wala pang maintenance sa edad 70: Good health is a gift

Vic Sotto, Pauline Luna kasama ang 2 anak at Joey Marcel

SA edad na 70 and turning 71 this year, ay wala pa ring maintenance medicines ang TV and movie icon na si Bossing Vic Sotto.

Ito ang naging rebelasyon ng original “Eat Bulaga” Dabarkads nang mapag-usapan ang tungkol sa kanyang kalusugan at kung paano niya inaalagaan ngayon ang kanyang katawan.

Nagpapasalamat si Bossing sa Panginoong Diyos dahil kahit senior na siya ay maayos pa rin ang estado ng kanyang health at ang pinaka-good news pa ay hindi pa niya kailangang mag-take ng mga gamot pang-maintenance.

Wala raw siyang problema sa  hypertension at diabetes pero aminado siyang may mga iniinom siyang food supplements, kabilang na ang vitamins at mga all-natural  healthy drinks.

Baka Met Mo: ‘Pagkamatay’ ni Bossing Vic na naka-post sa isang FB account fake news!

Nagbiro pa nga si Bossing na ang ilan daw sa mga kasamahan niya sa “Eat Bulaga” ay may mga maintenance medicines na tulad nina Joey de Leon at Allan K, pero siya ay waley na waley pa.


Bukod sa pag-take ng supplements, mine-maintain din ng husband ni Pauleen Luna ang pagkakaroon ng healthy lifestyle, tulad ng regular exercise (pagbibisikleta at walking) at pagkain nang masustansiya at paglafang sa tamang oras.

Hindi raw niya kayang sabayan ang workout na ginagawa ng kanyang wifey na si Poleng dahil mas matindi raw ito kumpara sa ginagawa niya. Tama na raw sa kanya ang paglalakad sa kanilang village at pagbantay sa kanyang pagkain.

Samantala, pormal na ngang ipinakilala si Bossing bilang bagong brand ambassador ng Santé, ang global provider ng organic health at wellness products.

Kilala si Bossing sa kanyang commitment sa mlausog na pamumuhay, sa kanyang koneksyon sa kanyang mga fans, at siyempre ang kanyang dynamic onscreen presence, kaya naman siya ang perfect na kumatawan sa brand na nagpo-promote magandang kalidad ng pamumuhay.

Bilang orihinal na host ng long-running noontime show na “Eat Bulaga” kasama sina Tito Sotto at Joey de Leon, ilang dekada nang household name si Vic. Ilan lamang sa kanyang body of work ang “Si Agimat at si Enteng Kabisote” (2010), “Enteng ng Ina Mo” (2011), at “Si Agimat, si Enteng Kabisote at si Ako” (2012).

Kamakailan lamang, ginawa ni Vic ang kanyang unang dramatic role sa 2024 film na “The Kingdom”, na isang proyekto na tumitingin kung ano ang magiging kasaysayan ng Pilipinas kung hindi ito sinakop ng ibang bansa, at minarkahan nito ang unang pagkakataon na hindi siya nag-comedy.


Binuo naman ng Santé ang reputasyon nito bilang isang pinagkakatiwalaan na pangalan sa health and wellness. Naghahain ito ng high-quality, organic barley-based products na certified organic ng BioGro New Zealand.

Ang flagship product nito ay mula sa fields ng Canterbury region ng New Zealand, na siyang nagbibigay ng siguradong superior quality at nutrient density sa produkto.

“Honored ako to join the family sa kanilang misyon na i-empower ang mga Pinoy na mumuhay nang mas maayos. Good health is a gift, and we all have the power to nurture it with the right choices at excited ako na ibahagi sa mga tao ang good news na ito,” ani Bossing.

Mula sa kilalang pamilya ng mga Sotto, na kinabibilanan din ng kanyang mga sikat na kapatid gaya nina Tito and Val Sotto, malawak ang legacy ni Vic.

“Vic’s ability to connect with people and his genuine approach to wellness make him the perfect partner for our brand,” ayon sa CEO na si Joey Marcel. “Excited kami to see how this collaboration will inspire Filipinos to make health and wellness a priority.”

Read more...