Trigger Warning: Mention of murder
MATAPOS ang ilang taong paghahanap ay nahuli na ng otoridad si Lope Jimenez, isa sa mga pumatay kay Ruby Rose Barrameda na kapatid ng aktres na si Rochelle Barrameda.
Dinakip ng mga tauhan ng Quezon City Police District — Criminal Investigation and Detection Unit (QCPD-CIDU) si Jimenez makalipas siyang ituro bilang utak umani ng pagkidnap, pagnanakaw, at pagpatay sa isang negosyanteng nawala noong January 5, 2025 at natagpuang patay matapos isilid sa drum at ibinaon sa isang lugar sa San Jose Del Monte, Bulacan.
Baka Bet Mo: Rochelle matinding pinagselosan sina Pauleen at Janna; Arthur may inamin
Personal ngang nagpunta si Rochelle sa opisina ng QCPD-CIDU at kinilala si Lope na siyang pumatay sa kanyang kapatid ilang taon na ang nakalilipas.
At sa kanilang paghaharap ay tahasang tinanong ng aktres ang suspek tungkol sa kapatid.
“Hindi mo kilala si Ruby Rose? Pero nandito ka na, masaya na ako na nandito ka na. Ang tagal mong nagtago,” saad ni Rochelle.
Natanong rin ang aktres kung sure ba itong iisang tapo lang si James Paul Dwight at si Lope Jimenez.
“Hindi ko siya makakalimutan,” puno ng katiyakang sagot ni Rochelle.
Matatandaang March 2007 nang maiulat na nawawala si Ruby Rose.
Dalawang taon makalipas ang pagkawala ng kapatid ni Rochelle Barrameda ay natagpuan ang bangkay nito sa loon ng sementadong steel box na itinapon sa karagatan ng Navotas.