Tito Sotto may hugot sa ‘old showbiz’ gimmick, patama kay Darryl Yap?

Tito Sotto may hugot sa ‘old showbiz’ gimmick, patama kay Darryl Yap?

PHOTO: Instagram/@helenstito

AGAW-PANSIN sa social media ang tila patama ni Tito Sotto sa gitna ng legal battle ng kanyang kapatid na si Bossing Vic laban sa filmmaker na si Darryl Yap.

Sa X (dating Twitter), nagbabala umano ang actor-politician pagdating sa maling paggamit ng “old showbiz” gimmick upang kumita.

“When you rely on an old showbiz gimmick to make money and got your facts all wrong, you will falter, for sure!” sey niya.

January 9 nang ibinandera ni Tito ang kanyang hugot, kasabay ng pagsampa ng 19 counts of cyber libel ni Bossing Vic sa Muntinlupa Regional Trial Court (RTC) laban kay Darryl.

Baka Bet Mo: Darryl Yap nagpadala ng script ng ‘The Rapists of Pepsi Paloma’ kay Vic

Ito ay dahil sa pagdawit sa pangalan ng batikang actor-TV host sa movie teaser bilang “rapist” umano ng yumaong sikat na starlet noong 1980s na si Pepsi Paloma.

Ang kaso ng controversial director ay aabot ng kabuuang P35 million –P20 million bilang moral damages at karagdagang P15 million bilang exemplary damages.

Kasunod nito, kinatigan ng Muntinlupa RTC Branch 205 ang pag-isyu ng Writ of Habeas Data upang ipatigil ang pagpo-post at pagse-share ng teaser video ng naturang pelikula.

Ayon sa abogado ni Bossing Vic na si Atty. Enrique Dela Cruz, ang 19 counts ng cyberlibel ay tumutukoy kung ilang beses nag-post o nagbahagi ang direktor ng umano’y malisyosong pahayag o video upang i-promote ang kanyang pelikula.

Sinabi rin ng 70-year-old comedian na hindi nagpakita ng “basic human decency” si Darryl upang hingin ang kanyang panig sa kwento.

Nilinaw din niya na ang kasong rape laban sa kanya ay ibinasura mahigit 40 years ago na.

Kamakailan lang, naghain naman ng mosyon si Atty. Raymond Fortun, ang abogado ni Darryl, sa Muntinlupa court para sa gag order.

Ang ibig sabihin niyan, humihiling ang kampo ng direktor sa korte na huwag pahintulutan ang kampo ng batikang aktor na maglabas ng anumang impormasyon tungkol sa pelikula.

Ayon kay Fortun, susunod si Direk Darryl sa deadline ng korte, ngunit hiniling niya ang gag order dahil hindi pa inilalabas ang pelikula at ang pagtalakay dito sa publiko ay maaaring makasira sa proyekto ng direktor.

Read more...