SUPPOSEDLY February 12 daw ang showing ng pelikulang “My Love Will Make You Disappear” na pagbibidahan nina Paulo Avelino at Kim Chiu pero dahil hindi pa tapos ang pelikula ay naurong ito sa March 26.
Base sa inilabas na official statement ng ABS-CBN Film Productions Inc (Star Cinema) kaninang tanghali ay sa Marso 26 na mapapanood ang much awaited movie ng KimPau na My Love Will Make You Disappear mula sa direksyon ni Chad Vidanes.
Ang nilalaman ng official statement nan aka-post sa ABS-CBN Film Productions Inc (Star Cinema) Facebook account.
Baka Bet Mo: Kim, Paulo in-unfollow ang Star Cinema, tuloy pa ba ang upcoming movie?
“As part of Star Cinema’s commitment to bringing Philippine films to a global audience, we are excited to announce the new playdate for the much-anticipated romantic comedy “My Love Will Make You Disappear, “ starring Kim Chiu and Paulo Avelino.
“The film will now appear in cinemas worldwide starting March 26.
“The move comes in light of new developments and exciting opportunities to expand into the North American market.
“We are happy to share that global theatrical distributor Abramorama and award-winning international entertainment marketing film in Amorette Jones Media Consulting are collaborating again with Star Cinema in bringing the beautiful srtory to even more viewers as they believe in the films universal appeal that can captivate a broader audience.”
Sa aming opinyon ay nag-ugat ang official statement na ito ng Star Cinema nang mag-trending ang post ni Paulo sa kanyang X account nitong Enero 9 na, “Ma-experience ng ana hindi tumapos ng peikula.”
Na ibig sabihin ay hindi pa tapos ang pelikula pero may playdate na dapat na Feb 12?
Sa madaling salita ay nginangarag na ang KimPau sa shooting schedules na araw-araw bagay na pinalagan na kaya nag-tweet na ang aktor? Bukod pa sa in-unfollow nito ang Star Cinema?
Well, hindi pa ba nasanay ang KimPau sa ganitong schedules ng Star Cinema na lagging cramming ang istilo nil ana habang nagso-shoot ay isinasabay na rin ang editing?
Parang sa mga TV series din ng Kapamilya network na taping maghapon at diretso naman ito sa editing para ipalabas kinagabihan din.
Anyway, naurong na ang playdate ng KimPau movie na ibig sabihin ay nakapag-usap na ng maayos ang magkabilang panig, ang Star Cinema at sina Kim at Paulo.
Case closed!