TILA loaded ang recent tweets ni Joey de Leon. Parang meron siyang pinatatamaan, indirectly nga lang. “For real and honest reportage of the situation in the storm-hit areas JUST watch CNN and BBC.
Yung iba sa atin inutil!” tweet niya. Is he taking a swipe at a network? Or at somebody whom he did not name? “Yung ibang media natin parang mas pino-promote lang nila yung mga sarili nila using the situation!
Nakakahiya at nakukuha pang siraan iba!” muli niyang tweet. This is kind of an affront at somebody. Kanino kaya dedicated ang litany niyang ito?
“Salamat sa CNN, BBC and the other international news org. Dahil sa kanila kaya buong mundo are sending help to us now kaya wag nang siraan!” may sense na sabi ng komedyante.
“Tsunami ’04-Nanood lang kayo sa CNN. Katrina ’05-Nanood lang kayo sa CNN. Haiti Earthquake-Nanood lang kayo sa CNN. MANOOD NA LANG KAYO!” came his last aria.
People in the social media already had an idea kung saan nagmumula ang Twitter rants ni Joey. Very witty ang comedian and very sensible naman ang kanyang sinasabi.
Tiyak na na-gets ito ng kanyang pinatutungkulan. Ang tanong, patulan kaya niya ito o balewalain na lang niya dahil tiyak na magkakaroon ng issue?
( Photo credit to Google )