“SECRET,” “no comment.”
‘Yan lang ang mga naging sagot ni Sen. Sherwin Gatchalian matapos usisain ng ilang media ang tungkol sa kumakalat na chikang hiwalay na sila ng actress-beauty queen na si Bianca Manalo.
Magugunita nitong Enero lang nang sumulpot ang chismis na nag-break na umano ang dalawa matapos mapansin ng mga Marites na wala nang ibinanbanderang mga kaganapan sa kanilang personal life ang senador at ang aktres.
Noong Miyerkules, January 8, nang maganap ang Kapihan sa Senado at diyan kinamusta si Sen. Win kung may kayakap ‘nung holiday season.
Ang sagot niya diyan ay “secret” at natatawang sinabing, “Nagkakasakit na nga ako e.”
Baka Bet Mo: Bianca Manalo cool na cool na bumuwelta sa basher na nagkomento ng ‘Mukantanga lang!’ sa kanyang viral video
Follow-up naman ng reporter sa kanya, “So wala kang kayakap sir kaya nagkasakit?”
“No comment, no comment,” ang sey ng senador at sabay napainom ng tubig.
Mukhang hindi na-satisfy ang reporter sa sagot niya kaya muli siyang itinanong upang makumpirma kung talagang wala na sila ng aktres.
Ang wika naman ng senador: “Alam niyo naman hindi ako nagko-comment sa personal life ko.”
“Masaya naman ako parati. Masaya naman ako as a person,” dagdag niya.
Nitong mga nagdaang araw, kapansin-pansin na walang post sa Instagram si Bianca patungkol sa kanila ni Sen. Win, lalo na nitong holiday season.
Nang i-check naman namin ang IG account ng senador ay wala rin kaming nakitang post na kasama niya ang aktres sa mga personal niyang lakad at maging sa public events.
Maaalalang taong 2018 pa nang maging mag-dyowa sina Bianca at Sen. Win.
Sa huling bahagi naman ng 2023 ay nasangkot sa kontrobersiya ang beauty queen nang kumalat sa social media ang umano’y screenshot ng private conversation nila ng Kapuso actor na si Rob Gomez.
Ito’y habang umeere ang pinagsamahan nilang teleserye sa GMA na “Magandang Dilag” na pinagbidahan ng isa pang aktres at beauty queen na si Herlene Budol.
Pero balitang hindi naman daw naapektuhan ang relasyon nina Bianca at Sen. Win dahil sa naturang iskandalo.
Kasunod nito ang pag-viral ng paghahalikan ng magdyowa na nakunan habang nasa senado noong August 2024.