PATAY ang South East Asian Games medalist na si Mervin Guarte matapos umanong pagsasaksakin sa dibdib sa Calapan City, Oriental Mindoro nitong Martes, January 7.
Base sa inilabas na ulat ng ABS-CBN News, natutulog ang atleta nang bigla itong saksakin ng hindi pa nakikilalang salarin.
Ang pananaksak kay Mervin ay naganap sa bahay ng kanyang kaibigan na si Dante Abel na isang barangay kagawad sa Sitio Pinagkaisahan sa Barangay Camilmil, Calapan City.
Baka Bet Mo: Geneva Cruz jiu-jitsu gold medalist ang bagong dyowa, mainit ang Pasko
Ayon sa ginawang imbestigasyon ng mga otoridad, nagpunta si Mervin sa kaibigan para makipag-inuman noong Lunes, January 6 na umabot hanggang alas-tres ng madaling araw kinabukasan.
Sinubukan pa nga raw isugod sa ospital ang gold medalist matapos ang pananaksak ngunit binawian na ito ng buhay.
Na-recover naman ng mga imbestogador sa lugar ang kutsilyong ginamit sa pananaksak at patuloy pa rin ang pakikipag-ugnayan ng Philippine National Police (PNP) para matukoy at mapanagot ang may sala sa krimen.
Maging si Governor Bonz Dolor ay nanawagan rin sa pananaksak at pagpatay kay Mervin.
“Hindi matitinag ang aming panawagan para sa katarungan, at patuloy naming hinahangad na mapanagot ang mga responsable sa krimeng ito,” saad ni Gov. Dolor.
“Maraming maraming salamat sa karangalan at pagmamahal mo sa Bayan. Saludo kami sa iyo,” pagpapasalamat pa niya sa gold medalist.
Para sa mga hindi aware, nasungkit ni Mervin ang gintong medalya noong SEA Games 2023 sa men’s team relat at noong 2024 naman at ay naiuwi niya ang kampeonato sa men’s beast 21 km sa ginanap na 2024 Spartan Asia Pacific Champion.
Isa rin siyang miyembro ng Philippine Air Force na nakadestino sa Fernando Airbase, Lipa City.