Tama ang GF

Sulat mula kay Rico, ng Barangay Labuan, Zamboanga City
Dear Sir Greenfield,
Kahit wala akong trabaho ay may girlfriend naman ako.  Gusto ko nang mag-asawa, pero wala kaming kakainin dahil wala akong trabaho.  Kung ako’y mag-aasawa ay matutulad lang ako sa ilang kamag-anak ko n nanghihingi na lang ng pagkain sa mga kamag-anak na may trabaho. Ayoko naman na kapag nagkaanak kami ay hindi namin mapag-aaral at mababaun na lang kami sa utang.  Kaya pinipigilan ko ang aking sarili na mag-asawa.  Matagal-tagal na rin kaming magkasintahan at siya’y ang pag-aasawa at pagsasama na lang ang kulang sa aming buhay.  Kelan kaya ako magkakatrabaho?  Ang birthday ko ay Jan. 10, 1984 at May 10, 1985 ang sa girlfriend ko.  Compatible din ba kami?
Umaasa,
Rico, ng Barangay Labuan, Zamboanga City
Solusyon/Analysis:
Palmistry:
May Guhit ng Babae sa iyong Fate Line kaya ang nasabing Fate Line ay ganap na luminaw  (Illustration 1-1 arrow 1.). Ibig sabihin sa tulong ng iyong girlfriend o babaing mapapangasawa mas madaling uunlad at yayabong ang iyong career. Kaya ang pinaka-mabuti mong gawin, sumunod ka sa mga ipinapagawa sa iyo ng girlfriend mo, sa ganong paraan ka uunlad at magiging maligaya.
Cartomancy:
King of Spades, King of Hearts at Ten of Diamonds ang lumabas (Illustration 1.). Ang mga baraha ay nagsasabing hindi sa pagiging binata ka uunlad, yayaman at magiging maligaya kundi sa pagkakaroon ng asawa at sariling pamilya. Ibig sabihin, kung naghirap ang mga kapatid at kaibigan mo noong sila’y nag-asawa, hindi ganon o kabaligtaran nila ang mangyayari sa iyo. Sa halip, sa pag-aasawa ka yayaman at uunlad.
Itutuloy….

Read more...