HOROSCOPE, November 17, 2013

Para sa may kaarawan ngayon: Ipagpatuloy ang kasalukuyang proyekto! Sa darating na Disyembre malaking halaga ng salapi ang makakamit. Sa pag-ibig, sa sandaling nakahawak ng maraming salapi, wag kalilimutan ang pangako sa iyong kasuyo. Mapalad ang 3, 15, 25, 32, 39 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Mahata-Nastah-Om.” Green at white ang buenas.
Aries – (Marso 21-April 19) –        Sikat ka na naman! Kaya lang hindi mo naiisip na walang kabuluhan ang pagiging sikat kung lagi ka namang walang pera. Kailangang mai-convert sa pagkakaperahan ang kasitan. Sa pag-ibig, hindi ang kasikatan ang nagpapaligaya sa relasyon, kundi ang salapi. Mapalad ang 1, 3, 10, 28, 38 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Baba-Nam-Ke- Balam.” Red at pink ang buenas.
Taurus – (April 20-May 20) –           Isang Capricorn  ang makakatulong upang magka-pera ng malaking halaga. Sa pag-ibig, bubuhayin ang iyong libido ng isang Scorpio masarap na romansa ang kasunod. Mapalad ang 6, 16, 25, 34, 38, at 45. Mahiwaga mong mantra:  “Omne-Mihi-Omne-Venit.” Yellow at green ang buenas.
Gemini – (May 21-June 21) –        Panatiliin ang ugaling pagiging mabait at matulungin. Sa pinansyal at pag-ibig habang tumutulong sa kapwa, lalo namang sasagana at mas magiging maligaya.  Mapalad ang 7, 15, 22, 34, 40 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Araanam-Kebanam.” Green at orange ang buenas.
 Cancer – (June 22- July 22)     – Wag hawahan ng hina ng loob at takot ang kasuyo! Lalo lang siyang maduduwag! Dapat ikaw ang magsimula ng initiative upang kapwa kayo umunlad at lumigaya. Mapalad ang 6, 16, 27, 34, 43 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Om-Kaleneha-Om-Mahatha.” Black at red ang buenas.
Leo – (July 23 – August 22) –   Sa pag-ibig upang lalong tumatatag ang relasyon laging yayain ang kasuyo sa pagsisimba at iba pang gawaing may kaugnayan sa ispirituwalidad. Sa negosyo, bago matulog wag kakalimutang mag dasal at hilingin sa Diyos na yumaman. Mapalad ang 6, 12, 30, 33, 39 at 49. Mahiwaga mong mantra:  “Egosum-Obre-Om.” Blue at silver ang buenas.
Virgo – (August 23 – September 22) –  Upang hindi kainggitan ng iba, iwasan ang labis na kadaldalan. Sa pinansyal, hindi kailangan ang maraming kuwento upang kumita ng malaking halaga, ang mas mahalaga ay ang katapatan. Mapalad ang 6, 9, 18, 27, 36 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Nahatha-Om.” Gold at purple ang buenas.
Libra – (September 23-October 23) –   Mali ang binabalak mong paglayo! Ang mga Libra ay hindi nagiging maligaya kung  malayo sa pamilya. Sa pag-ibig at pinansyal, kapag  malapit ka sa iyong mga mahal sa buhay mas madali kang uunlad. Mapalad ang 2, 8, 16, 25, 34, at 43. Mahiwaga mong mantra: “Yod-He-Vau-Weh.” Green at yellow ang buneas.
Scorpio – (October 24 – November 21) –   Upang pumasok ang suwerte, habang umiinit na ang panahon, panatiliing bukas ang bintana sa gawing silangan ng inyong bahay. Sa bukas na bintanang iyan, papasok ang suwerte at magandang kapalaran. Mapalad ang 7, 14, 23, 32, 41, at 45. Mahiwaga mong mantra: “Om-Tatha-Om-Sakra.” Blue at beige ang buenas.
Sagittarius – (November 22 – December 21) –  Miiwasan ang ano mang karamdaman kung ilalagay sa tamang oras ang pagkain. Wag magpalipas ng gutom. Sa pinansyal at pag-ibig, isang Sagittarius ang lagi ng aalalay at tutulong sayo. Mapalad ang 3, 9, 18, 27, 26 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Om-Shanti-Om.” Blue at orange ang buenas.
Capricorn – (December 22 – January 19) –   Upang magtamo ng mabuting kapalaran, maging maibigin sa bawat may buhay at sa kalikasan. Sa ganyang paraan, malapit ka sa nature, mas uunlad ang inyong kabuhayan. Sa pag-ibig, ang pagiging romantiko ng kasuyo ay dapat na suklian ng masarap na romansa – pagpasok nya ng pintuan halikan mo agad. “Om-Kurvan-Aum-Adhenan.” Green at white ang buenas.
 Aquarius – (January 20 – February 18) – Hindi dapat takasan ang obligasyon sa pamilya. Sa pinansyal, sa bandang huli ang mga kapamilya mo rin ang tutulong sayo upang maabsuwelto sa mga problema. Sa pag-ibig, hindi mo matatakasan ang isang Cancer, mananatili siyang kapuso mo parin. Mapalad ang 7, 16, 25, 29,  43 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Om-Kastha-Raga-Om.” Red at lilac ang buenas.
Pisces – (February 19 – March 20) –   Wag panghinayangan ang nakaraan! Salubungin ang bagong araw ng  may ngiti at galak sayong puso. Sa ganyang paraan, ngingiti din ang pag-unlad. Sa pag-ibig, ngitian ang masungit na kasuyo upang maibsan ang init ng kanyang ulo. Mapalad ang 7, 18, 23, 38, 40 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Bhanah-Om-Dosya.” Green at magenta ang buenas.

Read more...