SARAH ‘NAGWALA’, baliw-baliwan sa Perfect 10 Concert


As expected ay napuno ni Sarah Geronimo ang Smart Araneta Coliseum sa nakaraang “Perfect 10” concert niya noong Biyernes at bago nagsimula ang palabas ay nag-alay muna ng panalangin para sa mga naging biktima ng bagyong Yolanda.

Ayon kay Sarah ay nag-usap sila ng Viva Concerts producer niyang si Boss Vic del Rosario na ang proceeds ng concert niya ay diretso sa mga survivors.

Nanibago kami kay Sarah dahil wala siyang production number na masasabing tatak niya kaya’t tinanong namin ang publicist niyang si Salve Asis tungkol dito, “Ay kasi nagawa na niya noon sa ’24SG’, dito sa ‘Perfect 10’, puro kanta lang talaga para maiba.

Kasi parati naman siyang napapanood ng sumasayaw sa ASAP, so this time, ang pagiging singer lang niya ang binigyan ng pansin,” paliwanag sa amin.

May katwiran, pero siyempre hindi naman puro kanta ang gusto ng manonood dahil marami rin kaming naringgan na hindi nga raw humataw sa pagsayaw ang Pop Princess.

Baliw-baliwan lang ang emote ni Sarah noong gabing yun, meron nga siyang isang number na talagang nagwala siya kaya pagkatapos nito ay nag-sorry siya sa mga tao.

Anyway, bawing-bawi naman ang “Perfect 10” dahil sa rami ng effects bukod sa pagiging interactive at talagang nasilaw kami sa naggagandahang ilaw at fireworks ng show habang kumakanta si Sarah.

Parang concert ng mga international singers ang effect nito.Nagustuhan namin ang awiting “Sino Ang Baliw” ni Kuh Ledesma dahil ipinakita roon ang lumang video clip ng singer/actress na kinakanta niya noong bata pa siya sa isang prayer rally sabay sinabayan ng Pop Princess kaya kitang-kita ko ang transformation niya as a singer.

Hiyawan ang lahat ng tao sa Big Dome nang lumabas si Regine Velasquez para sa duet nila ni Sarah. Kinanta nila ang ilang hits ni Bruno Mars.

Pinalakpakan din ng audience ang duet nila ni Lea Salonga kung saan kinanta nila ang ilan sa hits ng musical play na “Wicked”.
Pero feeling namin na-outstage ni Regine si Lea nang muli itong bumalik ng entablado para sa production number nilang tatlo ni Sarah kung saan nila binirit ang mga awitin ni Barbra Streisand kaya’t sinaway na ng Asias’ Songbird ang mga tao dahil sa walang humpay na hiyawan habang nakatingin lang ang Tony Awards winner.

Nagsilbing reunion naman nina Mark Bautista, Rachelle Anne Go at Christian Bautista bilang The Champions ang “Perfect 10” concert ni Sarah G minus Erik Santos na kasalukuyang nasa Canada para sa series of shows.

Samantala, napansin namin na parang walang artistang nanood sa anniversary show ng Pop Princess? Nagkasabay-sabay naman kasi ang concert noong Biyernes, bukod sa “Perfect 10”, nag-celebrate rin ng kanyang anniversary show si Jed Madela sa PICC at si Vice Ganda naman ay nagkaroon ng benefit show sa isang comedy bar sa Quezon City.

( Photo credit to Google )

Read more...