Dalaga pa rin (2)

Sulat mula kay Ima ng Barangay Mahayahay, Iligan City
Problema:  
1.      Maganda ako at may trabaho pa.  Sinumang magsasabi na hindi ako maganda ay makikipagtalo ako.  Wala na ako sa kalendaryo at iyan ang aking labis na ikinababahala dahil wala pa rin akong boyfriend.
2. Ngayong wala na ako sa kalendaryo, masasabi ko na malas ang lovelife ko.  Ang mga amiga ko ay may kanya-kanya nang asawa at mga anak.  Heto ako, dalaga pa rin.  Kailan kaya ako makapag-aasawa?  May lalaki bang itinakda sa akin? Kung meron, kailan naman kaya siya darating?  Gusto ko na siyang sunduin, kung puwede.
Umaasa,
Ima ng Barangay Mahayahay, Iligan City
Solusyon/Analysis:
Astrology:
  Ang zodiac sign mong Sagittarius  (Illustration 1.) ang nagsasabing dahil sa sobra mong pagiging mapili at perpeksyonista, hindi ka tuloy makatagpo ng suweto at tamang lalaki para sa iyo. Kaya para makapag-asawa at magka-boyfriend, basta’t may dumating na lalaking isinilang sa zodiac sign na Aries o kaya’y Leo, sunggaban mo agad.
Numerology:
Ang birth date mo ay nagsasabing medyo matatagalan ka talagang magka-boyfriend at makapag-asawa, pero hindi naman ibig sabihin nito ay tatandang dalaga ka. Sa halip, isang lalaking isinilang sa petsang  3, 12, 21, o kaya’y 30 ang darating sa iyong buhay sa taon ding ito ng 2013.
Luscher Color Test:
Sa pagdating ng nasabing lalaki, siya ay nakausot ng kulay na blue o kaya’y green habang ikaw naman ay naka-pink o kaya’y violet. Ang mga kulay na ito  ang napakalinaw na senyales na siya na nga ang makakatuluyan mo at makakasama habambuhay.

Ima, ayon sa iyong kapalaran, dapat kang maglakbay, dahil tulad ng nasabi na sa isang paglalakbay mo makikilala ang iyong ka-soul mate. Kung sakaling hindi pa siya dumating sa nasabing panahon muli kang maglakbay sa buwan ng Agosto, at makikita mo, habang nakasakay ka sa isang pampublikong sasakyan, hindi sinasadyang mami-meet mo siya, hanggang sa magkahulugan kayo ng loob, liligawan ka niya, magiging boyfriend mo siya upang pagsapit ng Disyembre sa taon ding ito ng 2013, tuluyan ka nang magkapag-asawa at magkaroon ng simple, maligaya at panghabambuhay na pamilya, hatid ng isang lalaking nagtataglay ng initial na J.Y.

Read more...