HOROSCOPE, NOVEMBER 16, 2013

Para sa may kaarawan ngayon: Hindi ka seryoso sa buhay kaya hindi ka nagtatagumpay. Seryosohin mo lang ang paghahanap buhay at pagiipon ng pera, sa edad mong 43 yayaman ka na. Sa pag-ibig, hanggat hindi mo ibinibigay  ang 100% mong pagmamahal hindi ka magiging maligaya. Mapalad ang 4, 16, 25, 22, 40 at 46. Mahiwaga mong mantra: “Mohah-Mokah-Yotah.” Green at red ang buenas.
Aries – (Marso 21-April 19)—   Isang maikli ang buhok at cute ang magbibigay sayo ng suwerte. Siya rin ang mahiwagang nilalang na tutulong sayo sa problemang pinansiyal. Sa pag-ibig, sa maikling buhok higit kang magiging kaakit-akit. Mapalad ang 5, 14, 23, 37, 39 at 41. Mahiwaga mong mantra: “Karma-Yoga-Karma-Ashana.” White at pink ang buenas.
Taurus – (April 20-May 20)—  Labis lamang ang pagmamahal sayo ng kasuyo kaya siya madalas mag-selos. Mamayang gabi, romansahin siya ng todo upang mawala ang pagka-praning. Sa pinansyal, magnegosyo ng kalakal na may kaugnayan sa pagkain, upang yumaman. Mapalad ang 6, 15, 24, 34, 37 at 42. Mahiwaga mong mantra: “Om-Malka-Om-Halka.” Blue at red ang buenas.
Gemini – (May 21-June 21)—  Uunlad la kung maitutuwid at maitama mo muna ang iyong mga pagkakamali. Matapos mong ma-realized na may mga pagkukulang ka sa iyong kasuyo, humingi ka ng “sorry”. Sa ganyang paraan muling iinit ang inyong relasyon. Mapalad ang 4, 13, 21, 28, 37, at 48. Mahiwaga mong mantra: “Jagat-Guro-Dosya-Om.”  Yellow at green ang buenas.
Cancer – (June 22- July 22)—Paghandaan ang papalapit na kapaskuhan. Kahit mahirap ang buhay, bigyan ng isang masayang pasko ang iyong mga mahal sa buhay.  Kahit na medyo kuripot ka, pilitin mong magkaroon kayo ng grandeng handaan sa Noche Buenas. Mapalad ang 8, 17, 26, 35, 43, at 45. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Namoh-Om-Nameh” Lilac at orange ang buenas.
Leo – (July 23 – August 22)— Sa pagsusungit walang biyayang makakamit. Panatiliin ang pagiging mabait. Habang nagpapakabuti  lalong uunlad ang kabuhayan. Sa pag-ibig, wag kang madamot, ibigay sa kasuyo ang totoo at walang pagkukunwaring pag-ibig. Mapalad ang 5, 17, 26, 35 at 44. Mahiwaga mong mantra:  “Anilam-Bastam-Idam-Om.” White at blue ang buenas.
Virgo – (August 23 – September 22)—May magte-text! Isang dating kaibigan ang mangungutang – wag mo na lang  siyang replayan. Sa pinansyal, unahin ang kinabukasan ng pamilya kaysa sa ibang tao. Sa pag-ibig, isang kasamahan sa trabaho ang unti-unti ng nagkakagusto sayo. Mapalad ang 3, 15, 30, 39, 45 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Visnu-Veda-Visnu-Vidya.” Pink at green ang buenas.
Libra – (September 23-October 23)—   Suriing mabuti ang laman ng damdamin. Wag magpadala sa kapusukan. Lalong uunlad ang kabuhayan kung iiwasan ang kaimmoralan. Sa pag-ibig, tandaang: “ang hangal na relasyon ay lilipas din!” Mapalad ang 1, 18, 24, 33, 42 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Krisna-Krisna-Rama-Rama.” Red at blue ang buenas.
Scorpio – (October 24 – November 21)— Kakaibang pag-ibig ang mararanasan, maaaring ito na ang hinihintay mo – sunggaban mo agad. Sa pinansiyal, unti-unting aangat ang graph ng pag-unlad sa aspetong pananalapi. Mapalad ang 1, 13, 28, 36, 42, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Atma-Avidya-Aroha-Om”. Maroon at purple  ang buenas.
Sagittarius – (November 22 – December 21)—  Upang suwertehin mag-alaga ka ng kahit na anong uri ng hayop. Sa negosyo, mag-display ng larawan ng kahit anong hayop sayong business site. Sa pag-ibig, regaluhan ang kasuyo ng isang kuwintas na may desenyong ibon. Mapalad ang 6, 15, 23, 26, at 43. Mahiwaga mong mantra: “Naikarma-Nirguna-Naraya.” Navy blue at green ang buenas.
Capricorn – (December 22 – January 19)—  ‘Wag hayaang tumaba at maging chubby ang pangangatawan, sa ganyang itshura maaaring palitan ka ng kasuyong Cancer. Panatiliin ang pagiging sexy, sa unang oras sa umaga piliting makapag- jogging. Mapalad ang 6, 18, 27, 39, 42 at 43. Mahiwaga mong mantra: “Agla-Aum-Aum-Aum.” Orange at red ang buenas.
Aquarius – (January 20 – February 18)—  Likas kang suwerte hindi mo lang napapansin! Subukang makipag-sapalaran sa ibayong dagat upang magbago ang kapalaran. Sa pag-aabroad, dalawang bagay ang makakamit, tagumpay na may kaugnayan sa materyal na bagay at matamis na pag-ibig. Mapalad ang 5, 17, 23, 31, 40 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Sucti-Suras-Sucti-Asuras.” Beige at lilac ang buenas.
Pisces – (February 19 – March 20)— Kung nagkamali na dati wag mo ng ulitin pa. Upang mas madaling umunlad, gawin mong mabilis at may konsentrasyon ang mga bagay na iniisip. Sa pag-ibig, isa isantabi mo na ang puso, salapi ang higit na mas mahalaga! Mapalad ang 1, 14, 19, 40 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Pera-pera lang, walang personalan!”  Emerald green at red ang buenas.

Read more...