Ginang kinasuhan si mister dahil mas love pa raw ang alagang pusa

Ginang kinasuhan si mister dahil mas love pa raw ang alagang pusa

FILE PHOTO

KINASUHAN ng isang ginang ang kanyang mister dahil sa umano’y pangmamaltrato at sa kawalan daw nito ng panahon sa kanya.

Nagdesisyon ang naturang misis mula sa Bengalaru, India, na idemanda ang kanyang asawa na nag-ugat umano sa matinding selos dahil mas mahal at mas inaalagaan pa raw nito ang alagang pusa.

Base sa report ng TimesNow, isang conservative English language news company sa India, nitong nagdaang December 13, 2024, isinampa ng ginang (na hindi nabanggit ang pangalan) ang  kaso sa Karnataka High Court.

Ang reklamo ng complainant, minamaltrato siya ng kanyang mister at mas binibigyan pa nito ng oras at pagmamahal ang kanilang alagang pusa kesa sa kanya.

Baka Bet Mo: Vice Ganda kinilabutan sa pagkapanalo ng ‘Isip Bata’ contestant, bakit kaya?

Sinabi pa nito na may pagkakataon na kapag kinukompronta niya ang asawa sa kakaibang pag-aalaga sa kanilang pusa, ay nauuwi iyon sa away at palitan ng maaanghang na salita.

Ang reklamo pa nito, ilang beses na raa siyang inatake at kinalmot ng pusa ngunit wala raw ginawa ang kanyang mister hinggil dito.

Pero sa halip na kampihan, pinagalitan pa ng mga hukom ang ginang at sinabihang wala kuwenta o kabuluhan ang inihaing kaso kontra sa kanyang asawa

Base sa isinagawang pag-aaral ni Justice M. Nagaprasanna ng Karnataka High Court, walang specific allegations of cruelty or harassment sa complaint.

Ayon kay Justice Nagaprasanna, “The complaint is a narration of marriage and living together, but the crux of the allegation is founded upon the squabble regarding a pet cat that is in the house of the husband.

“The allegation is that the husband takes care of the cat more than the wife,” sabi pa ng hukom.

Kasunod nito, ipinahinto na run ng korte ang pag-iimbestiga laban sa inasuntong mister.

“It is such frivolous cases that have clogged the criminal justice system today, and if the investigation is permitted in the case at hand, it would add one more case to the already clogged justice system,” resolusyon ng korte.

Sabi pa ni Justice Nagaprasanna, ang demanda ng ginang ay hindi tumutugon sa legal threshold para sa IPC 498A, isang seksiyon sa Indian Penal Code na nagpaparusa sa mga mister o kaanak na nang-aabuso sa mga babaeng may asawa.

Read more...