MAKALIPAS ang mahigit dalawang dekada, nagkasama ang aktor na si John Prats at Miko Samson, ang dating co-star ng youth oriented TV series na “Gmik.”
Sa Instagram, ibinandera ni John ang pagkikita nila ni Miko kamakailan lang, kalakip ang throwback picture nilang dalawa noong 1990s.
Kung matatandaan ang naging role ni John sa nasabing TV series ay si “Yuan,” habang si Miko ay bilang si “Tonsy.”
“Good to see you again, brother Miko Samson,” bungad ng aktor sa post.
Baka Bet Mo: Relasyon nina Camille at Carlo napurnada dahil kay John Prats!?
Caption pa niya, “After 23 years, it feels unreal to catch up and remember the good times we had on ‘Gmik’.”
“Those memories will always stay with me. Hoping we can get the whole gang back together someday, that would be epic,” dagdag pa ni John.
Napa-comment naman diyan ang dating aktor at sinabing: “Nice seeing you dude! Hang again soon!”
Maaalalang iniwan ni Miko ang mundo ng showbiz upang i-pursue ang kanyang pag-aaral.
Siya ay nag-abogasya sa Ateneo Law School at nag-aral din sa Columbia University, isang Ivy League institution sa New York.
Maliban kina John at Miko, ilan pang miyembro ng cast ng “Gmik” sina Camille Prats, Angelica Panganiban, Carlo Aquino, Stefano Mori, Anne Curtis, Heart Evangelista, Danilo Barrios, Janus del Prado at Angelene Aguilar.