Maja inaahas ang dyowa ni Toni?

mang-aagaw nga ba ng dyowa?

Ni Ervin Santiago

TOTOO nga kaya na may tensiyon sa pagitan ngayon nina Toni Gonzaga at Maja Salvador? Nakarating kasi sa amin ang balitang imbiyerna raw ang kampo ni Toni dahil sa mga pinagsasasabi raw nitong si Maja tungkol kay direk Paul Soriano.
Si Paul Soriano po ay boyfriend ni Toni na nali-link naman daw ngayon kay Maja. Ayon sa tsismis, nakarating kay Toni ang chikang nililigawan daw ng boyfriend niya si Maja. Siyempre, sino ba naman ang matutuwa na ang dyowa mo ay mababalitang may nililigawang ibang babae, di ba?
Ayon sa kuwento, mismong si Maja raw ang nagkakalat ng mga chika na nililigawan siya ng direktor, pero pilit daw niya itong pinalalayo dahil nga alam naman niyang may Toni Gonzaga na ang binata.
At dahil nga diyan, kaya nanggagalaiti raw ang kampo ni Toni at galit na galit daw kay Maja dahil wala naman daw katotohanan ang mga diumano’y ipinakakalat nitong mga tsismis.
Pero ayon kay Maja, isang malinaw na paninira lang daw ito sa kanya ng mga taong walang magawa sa buhay. Feeling niya ay may mga tao lang na gusto silang pag-awayin ni Toni, sa kung anumang mga dahilan ay hindi niya alam.
Natatawa na nga lang daw ang aktres sa mga nakararating sa kanyang balita, lalo na du’n sa kuwentong mismong siya raw ang nagkukuwento sa kanyang mga friends na pinopormahan siya ni direk Paul. Kahit kailan daw ay wala siyang sinasabing ganu’n at lalong hindi raw siya ang tipo ng babaeng gagawa ng eksena at magtatahi ng mga kasinungalingan para lang magpapansin sa lalaki.
Naku, mukhang napapadalas yata ang paglabas ng mga malilisyosong intriga laban kay Maja! Hindi kaya may nasagasaan o naapakan ang aktres along the way kaya laging may paninirang ganito against her?

Read more...