BIMBY aagawin ang trono ni DANIEL PADILLA


Feeling namin, si Bimby na ang susunod na Daniel Padilla ng local showbiz. Hindi lang kasi kami ang nagsasabi na pang-matinee idol talaga ang arrive ng bunsong anak ni Kris Aquino.

Sa bagong TV commercial ni Bimby para sa isang donut kasama si Ryzza Mae Dizon, maraming naguwapuhan kay Bimby, take note, ha – gwapo, hindi lang basta cute.

Ang lakas daw ng dating ng bagets at kung ihahambing nga siya sa mga child stars ngayon sa iba’t ibang network, masasabing siya na nga ang pinakamalakas ang appeal.

Sabi nga ng pinsan naming si Ehl Mojica ng Cainta, Rizal, “Pwede siyang pumalit sa trono ni Daniel Padilla. Ilang taon na lang siya na ang pinagkakaguluhan ng mga girls, believe me!

Kaya humanda na si Kris dahil tiyak sasakit ang ulo niya sa mga babaeng mababaliw-baliw kay Bimby!” Samantala, ngayon pa lang ay maingay na ang 2013 Metro Manila Film Festival entry nina Bimby, Ryzza at Vic Sotto, ang “My Little Bossings” kung saan may special participation din si Tetay.

Ayon sa mga nanay at tatay na nakakausap namin, ngayon pa lang daw ay sinasabihan na sila ng kanilang mga anak na ang una nilang panonoorin sa darating na MMFF sa Pasko ay ang “My Little Bossings” kaya naman this early ay sinasabing ito na ang magiging number one sa filmfest.

Pero sabi nga ng mga producers ng movie (OctoArts Films, M-Zet Films, APT Entertainment and Kris Aquino Productions), pressure rin ito para sa kanil kaya mas pinagbubuti nila ang bawat eksena ng pelikula para naman hindi sila mapahiya sa mga manonood.

Ayon naman sa direktor ng movie na si Marlon Rivera, hindi sila nagkamaling pagtambalin sina Ryzza Mae at Bimby dahil swak na swak daw ang tandem ng dalawa.

“Ryzza does not speak much English while Bimby does not speak much Tagalog. Sobrang cute nila lalo na kapag nag-uusap na silang dalawa. Sa bandang huli, Ryzza ends up teaching Bimby Tagalog words while Bimby teaches Ryzza English words,” sabi naman ni Orly Ilacad ng OctoArts.

Dagdag pa nito, isang refreshing tandem sa pelikula ang mapapanood nila at kasama pa si Bossing, “This is perhaps the reason why there is much excitement about the movie this early.

We’re very happy with the public’s curiosity for the two child superstars.”  Sey naman ni Vic, “Nakakatuwa talaga yung dalawang bata. They complement each other so well.

You can see that when you watch the movie. Nagtuturuan, nagtatawanan, sabay napapagod, sabay nagugutom. Masaya lang kami sa set. Para lang kaming laging naglalaro.”

In fairness din kay Kris, talagang kumuha pa siya ng sariling stylist ni Bimby para mas maging makatotohanan ang itsura nito sa role na kanyang ginagampanan.

Ka-join din sa “My Little Bossings” sina Aiza Seguerra, Jaclyn Jose, Jose Manalo, Paolo Ballesteros, Barbie Forteza, Neil Coleta at Neil Sese.

( Photo credit to Google )

Read more...