NAGKAROON ng malaking pagbabago ang lungsod sa panahon ng dating Manila Mayor Isko Moreno, lalo na para sa mga residente nito.
Isa sa kanyang mga pinaka-kapuri-puring proyekto ay ang modernisasyon ng Ospital ng Maynila, isang pampublikong ospital na ngayon ay naging simbolo ng pag-asa para sa mga pamilyang kapos sa buhay.
Habang muli siyang nangangampanya para sa darating na eleksyon, malinaw na ang epekto ng proyektong ito ay patunay ng kanyang epektibong pamumuno.
Sa kanyang termino, pinangunahan ni Moreno ang pagsasaayos ng Ospital ng Maynila, mula sa pagiging isang hirap na pasilidad tungo sa pagiging makabagong ospital na may world-class na kagamitan at serbisyo.
Baka Bet Mo: Mga polisiya ni Isko Moreno ramdam pa rin ng mga senior citizen ng Maynila
Kasama sa mga pagbabagong ginawa ang pagdaragdag ng advanced diagnostic tools, pinalawak na emergency department, at mas maayos na pasilidad para sa mga pasyente. Hindi lang ito basta “pagpapa-pogi”, solusyon ito sa matagal nang problema na humahadlang sa pagbibigay ng dekalidad na serbisyong pangkalusugan.
Ayon kay Joseph Cervantes, isang residente ng Maynila, ramdam niya ang malaking pagbabago sa ospital.
“Yung pinsan ko namatay dati dito kasi kulang sa gamit ang ospital. Ngayon, mas kampante na ako dalhin ang may sakit dito,” ani Cervantes.
Maraming pamilya ang nagpapahayag ng parehong pasasalamat dahil sa positibong epekto ng proyektong ito.
Ang modernisasyon ng Ospital ng Maynila ay sumasalamin sa pangarap ni Moreno para sa isang Maynila kung saan abot-kamay ng lahat ang dekalidad na serbisyo publiko.
Higit pa sa serbisyong pangkalusugan, nagbigay din ito ng panibagong pagmamalaki sa lungsod.
Ngayon, ang binagong ospital ay naging simbolo ng pag-asa at inspirasyon para sa ibang lokal na pamahalaan na bigyang-priyoridad ang healthcare infrastructure.
Habang hinahangad ni Moreno ang pagbabalik sa pwesto, malinaw ang sinasabi ng kanyang track record.
Ang kanyang liderato ay kilala sa konkretong resulta para sa kanyang mga nasasakupan.
Sa usapin ng kinabukasan ng Maynila, marami ang bumabalik-tanaw sa kanyang naiwanang legacy at nagtatanong: Sino pa ba ang mas karapat-dapat mamuno kundi ang taong napatunayan nang kayang maghatid ng pagbabago?