Rufa Mae hiwalay na nga ba sa asawang si Trevor Magallanes, anyare?

Rufa Mae hiwalay na sa asawang si Trevor Magallanes, matindi ang away?

Rufa Mae Quinto at Trevor Magallanes

TOTOO nga kaya ang kumakalat na balitang hiwalay na umano si Rufa Mae Quinto sa kanyang asawang si Trevor Magallanes?

Usap-usapan sa social media ang alleged breakup ng married couple matapos maglabasan ang screenshot ng sinasabing palitan ng mensahe ng mag-asawa.

Matindi ang umano’y sagutan nina Rufa Mae at Trevor tungkol sa kanilang relasyon pati na rin sa nag-iisa nilang anak kaya naman ina-assume ng lahat na nagkanya-kanya na sila ng landas at tinapos na ang walong taon nilang pagsasama.

Base sa isang screenshot ng private message ng dalawa na naka-post sa social media, nanghihingi ng support si Rufa Mae sa kanyang asawa para sa kanilang anak.

Baka Bet Mo: Abogado sa viral ‘screenshots’ nina Maris, Anthony: ‘Cheaters have human rights’

Sa mga sagot naman ni Trevor sa mensahe ni Rufa Mae ay mararamdaman ang pagka-bad trip ng negosyante sa kanyang misis.

Bukod dito, may naglabasan ding kopya ng isang police report na nagsasabing inaresto umano si Trevor dahil sa kasong trespassing sa Honolulu, Hawaii, nito lamang December 6.

Base sa Adult Arrest Log ng Honolulu Police Department, isang “Japanese national” na nagngangalang Trevor Magallanes ang inaresto dahil sa “Criminal Trespass 2 offense.”

Wala pang kumpirmasyon kung ang asawa nga ni Rufa Mae ang sangkot sa naturang kaso. Hindi pa rin napapatunayan kung legit din ang mga screenshots ng umano’y convo ng mag-asawa.


Kahapon, December 9, sa “Fast Talk with Boy Abunda”, nagbigay ng statement ang King of Talk na malapit na kaibigan at dating manager ni Rufa Mae tungkol sa naturang isyu.

“We are also aware na may mga umiikot na screenshots ng conversation with Trevor, the husband of Rufa Mae Quinto, at saka ni Rufa Mae.

“Meron du’n pag-uusap between the couple. At meron din isang screenshot ng isang report galing sa pulisya sa Hawaii na may kinalaman naman kay Trevor.

“Now, we have this, and we are trying to validate this and we are in touch with the lawyer of Rufa Mae, Atty. Mary Louise Reyes, who has been very helpful to us.

“Kung ano ang developments sa balitang ito ay ibabahagi ho namin sa inyong lahat,” saad ni Tito Boy.

Hindi lang ngayon nabalitang naghiwalay sina Rufa Mae at Trevor. Kahit noong nagsasama pa sila sa Amerika ay may kumalat na ring chika na break na sila ngunit never silang naglabas ng pahayag para itanggi o kumpirmahin ito.

Ikinokonek naman sa paghihiwalay umano ng mag-asawa ang pagkakasangkot ni Rufa Mae sa isang investment scam at ang pag-iisyu sa kanya ng warrant of arrest.

Bukas ang BANDERA sa magiging pahayag nina Rufa Mae at Trevor hinggil sa isyung ito.

Read more...