NAGSALITA na ang Trivia Master at Kapuso TV host na si Kim Atienza tungkol sa isyu ng pagtatapos ng kontrata ng “It’s Showtime” sa GMA 7.
Balitang-balita na sa social media na sakaling magbabu na sa Kapuso Network ang “It’s Showtime” na pinangungunahan nina Vice Ganda, Vhong Navarro, Kim Chiu at Anne Curtis, ay ang programa nina Kuya Kim na “TiktoClock” ang papalit.
Sa presscon ng pinakabagong show ni Kuya Kim sa GMA, ang “Dami Mong Alam, Kuya Kim” na napapanood tuwing Sabado ng umaga, natanong siya kung ang “TiktoClock” na nga ba ang papalit sa timeslot ng “It’s Showtime” simula sa January, 2025.
“Ang alam ko ay may nangyayaring negotiation ngayon ang It’s Showtime and GMA. Yun lang ang alam ko sa ngayon,” simulang sagot ni Kuya Kim.
Baka Bet Mo: Korina napa-throwback noong magbalik sa pag-aaral: Akala ng classmates ko pagpasok ko ng classroom ako ang teacher
Ganito rin ang naging statement ni GMA Network Senior Vice President Atty. Annette Gozon-Valdes nang usisain tungkol sa tunay na estado ng “It’s Showtime” sa network.
“We are in the process of negotiations now for the renewal of ‘Showtime,’” sabi ng GMA 7 executive.
Pero sey ni Kuya Kim sakaling ang programa nga nila ang ipalit sa noontime show Nina Vice ay wala silang magagawa kundi sumunod sa kagustuhan ng management. Kumbaga, mga sundalo sila na kailangang maging handa sa anumang laban.
Samantala, kamakailan ay pumirma uli ng 3-year-contract sa GMA Network, “All I can say is I’m just honored and so humbled na kailangan niyo pa ako at this point. Ako po ay so inspired.
“My stay here in GMA, I’m just having so much fun. I’m feeling so relevant, and I’m feeling so used to it in a good way for me to continue for these coming three years. I look forward to it the most.
“I know these three years will pass so fast again like the past three years, and we shall be sitting at this desk again, and I will be signing another three-year contract again,” sabi pa ni Kuya Kim.
“To the Kapuso bosses, thank you very much for taking me in. Thank you very much for taking care of me. Thank you very much for optimizing whatever talent I’m capable of giving. I’m honored and very appreciative of the trust that you give me.
“Sa mga fans naman, magpatuloy po sana ang kanilang suporta. Bilang Kapuso, I will do my best to constantly reinvent myself and put in more passion so that I may fulfill this vocation that God has given me.
“Sa mga Kapuso colleagues ko na nakatrabaho ko sa apat na shows, napakasarap ninyong kasama. Ang trabaho kasama ninyo ay hindi trabaho.
“Whenever I’m with you, I look forward to that working day because to me it’s not work – it’s a spirit of fun, kindness, and family na talagang damang-dama ko,” aniya pa.