FEELING thankful and grateful ang Federation of Filipino Chinese Chambers of Commerce and Industry, Inc. (FFCCCII) sa tinaguriang “King of Pinoy Christmas Carols” na si Jose Mari Chan.
Mula noon hanggang ngayon ay patuloy pa rin ang pagsuporta ng OPM legend sa halos lahat ng socio-civic at charity projects ng FFCCCII.
Ayon kay FFCCCII president na si Dr. Cecilio Pedro, hindi lang mahusay na singer, songwriter at businessman si JMC kundi matulungin din ito at solid ang commitment sa mga programa ng kanilang samahan.
Mahigit apat na dekada nang nakikipagtulungan si Jose Mari Chan sa FFCCCII pagdating sa calamity relief, libreng medical missions, scholarship grants, pagtatayo ng rural public schools, assistance sa Filipino-Chinese volunteer fire brigades at marami pang iba.
“We’re both served in the Ateneo scholarship foundation. We help provide scholarships because many want to study at Ateneo, but tuition is expensive.
“This initiative has been instrumental in supporting students, with approximately 21% of the university’s population benefiting from the scholarship program over the years,” aniya pa.
Baka Bet Mo: Judy Ann nag-sorry kay Mommy Carol: ‘I was not the best daughter, I think wala namang anak na perfect at the best’
“We have been building classrooms for the last thirty-five to forty years. As of now, we have built six thousand five hundred classrooms. Many schools are in dire need of facilities, and we step in to help,” dagdag pa niya.
Nitong nakaraang sunod-sunod na pagbagyo, naglaan daw ang FFCCCII at ang Filipino at Tsino Magkaibigan Foundation ng P60-P65 million para sa bigas na ipinamahagi ng grupo ng mga negosyante sa iba’t ibang lugar na nasalanta gaya ng Bicol, Pampanga, Tarlac at Metro Manila.
Sa nalalapit na Kapaskuhan, patuloy na dadamay at makikiisa ang FFCCCII sa mga pamilyang Pinoy na mangangailangan ng tulong at kalinga sa ngalan ng bayanihan.
Samantala, muli ring nakipagtulungan ang FFCCCII sa Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd) sa pagbibigay-tulong sa mga nasalanta ng bagyo.
Mismong si Dr. Cecilio Pedro, kasama si Wilson Lee Flores, FFCCCII Public Information Committee chairman, ang nag-abot ng donasyon kay SPEEd president Salve Asis para sa Christmas Party for a Cause ng entertainment editors’ group sa isang intimate get-together nitong Biyernes.
Regular ang partnership ng FFCCCII at SPEEd sa iba’t ibang outreach program. Ang pinakahuli nga ay ang two-day medical/dental mission sa Nampicuan, Nueva Ecija at Dingalan, Aurora.
Sabi ni Dr. Pedro, “Napakaimportante po ng media personnel. Kayo po ang bida rito, kayo po ang pag-asa ng bayan kasi nagdadala kayo ng magandang balita.
“Kayo ang nagdadala ng happy, ‘di lang Hapee toothpaste, but you bring happiness to many, many Filipino consumers. Kayo ang bida rito, kayo ang gusto namin dapat pasalamatan,” sabi pa niya.
Malapit ang puso ni Dr. Pedro sa mga taga-showbiz dahil siya rin ang presidente at CEO ng Lamoiyan Corporation, makers ng Hapee Toothpaste at Dazz Dishwashing Paste/Liquid, na dating iniendorso nina Ruffa Gutierrez, Lea Salonga, Angel Locsin, yumaong Master Showman German Moreno at iba pa.