Para sa may kaarawan ngayon: Biyernes ngayon! Magsuot ng pula upang suwertehin. Sa pinansyal, sa pamamagitan ng pula ay dagdag na salapi ang makukuha. Sa pag-ibig, ang pula rin ang lalo pang magpapasigla ng relasyon. Mapalad ang 3, 8, 24, 33, 43 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Om-Amara-Om.” Bukod sa pula ang berde ay buenas.
Aries – (Marso 21-April 19)—Tama ang naisip mo—magluto ng bagong diskarte ng pagkain. Ang mga produktong may kaugnayan sa pagkain ay maaaring pagkakitaan. Sa pag-ibig, iwasan ang katakawan upang muli kang sumeksi. Mapalad ang 3, 6, 24, 34, 44, at 47. Mahiwaga mong mantra: “Amor-Cito-Amor-Taneo-Om.” Red at lilac ang buenas.
Taurus – (April 20-May 20)—Ipagpatuloy ang pagiging mapagmahal. Kung lagi kang nagbibigay darating ang panahong ikaw naman ang bibigyan ng tadhana ng mas maraming suwerte. Sa pag-ibig, pagbutihin pang lalo ang paglalambing sa minamahal. Mapalad ang 2, 7, 27, 39, at 42. Mahiwaga mong mantra: “Siva-Krisna-Krisna-Om.” Blue at silver ang buenas.
Gemini – (May 21-June 21)— Itutok ang konsentrasyon sa nais makamit. Wag magpabago-bago ng isip. Para dumami ang kita ay tutukan mo ang iyong ginagawa. Sa pag-ibig, may masarap na romansa kung itututok ang iyong pagmamahal sa iisang kasuyo lamang. Mapalad ang 3, 9, 27, 38, 41 at 49. Mahiwag mong mantra: “Om-Agla-Om.” Red at blue ang buenas.
Cancer – (June 22- July 22)— May lihim na naiingit sa iyo! Wag mo na lang siyang pansinin upang huwag masira ang diskarte mo na may kaugnayan sa career at salapi. Sa pag-ibig, tandaang naiingit sila sa iyo dahil mas maganda at mas magaling ka sa kanila. O di ba? Mapalad ang 1, 4, 13, 22, 38 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Bhama-Yoti-Yoti-Bhama-Om!” Gold at orange ang buenas.
Leo – (July 23 – August 22)— Tama ang pasya mong umalis sa sinilangang bayan. Sa malayong pook, magtatagumpay ka at yayaman. Sa pag-ibig, sa isang sasakyang panghimpapawid o kaya’y pangdagat, matatagpuan ang true love. Mapalad ang 6, 18, 27, 33, 42 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Vai-Kuntha-Vai-Nava-Om.” Maroon at beige ang buenas.
Virgo – (August 23 – September 22)— Basta’t magpatuloy ka lang ng magpatuloy, tuloy-tuloy ding lalago ang kabuhayan. Sa pag-ibig, anuman ang balakid sa relasyon, sa dakong huli ang pag-iibigan n’yo pa rin ang mananaig. Mapalad ang 3, 18, 27, 33, 36 at 42. Mahiwaga mong mantra: “Govinda-Rama-Rama-Om.” Blue at pink ang buenas.
Libra – (September 23-October 23)— Venus ang ruling planet mo! Ibig sabihin lagi ka lang magpaganda, kusang lalago at dadami ang iyong pera. Sa pag-ibig, laging papungayin ang mga mata upang maakit ang suwerte at magandang kapalaran. Mapalad ang 9, 15, 24, 33, 35, at 46. Mahiwaga mong mantra: “Agla-Aum-Aum.” Violet at pink ang buenas.
Scorpio – (October 24 – November 21)—Ang mga salaping nawala ngayon ay maibabalik din sa araw ng bukas. Sa pag-ibig, sa panahong may karamdaman, lalong iinit ang pagmamahalan. Mapalad ang 2, 13, 28, 33, at 45. Mahiwaga mong mantra: “Govardana-Krisna-Om.” Red at yellow ang buenas.
Sagittarius – (November 22 – December 21)—Sa pag-ibig at pagkakaperahan ay may darating na magandang oportunidad. Huwag ka nang umarte-arte at huwag ka nang tumanggi pa—sunggab agad! Mapalad ang 1, 10, 28, 34, 36, at 42. Mahiwaga mong manra: “Katha-Upanisad-Katha-Om.” Yellow at orange ang buenas.
Capricorn – (December 22 – January 19)—Magiging maligaya ang araw na ito! Hindi makakatanggi ang minamahal sa anumang hihilingin mo. Sa pinansiyal, tuloy ang pasok ng malaking halaga. Mapalad ang 6, 17, 28, 33, 41 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Hare-Krisna-Hare Rama.” Blue at green ang buenas.
Aquarius – (January 20 – February 18)— Ikaw ang dapat mag-alok ng iyong mga produkto upang mabilis kang yumaman. Wag umasa sa ibang tao. Sa pag-ibig, sabihin na sa minamahal ang matagal mo nang plano na yayain siya sa isang pribadong lugar. Mapalad ang 4, 8, 24, 33, 42 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Sukadeva-Mantra-Om.” Violet at purple ang buenas.
Pisces – (February 19 – March 20)— Hindi plano ang mahalaga, ang mas mahalaga ay maipatupad ang iyong ideya. Sa pag-ibig, ayain sa romantic na lugar ang kasuyo. Sa pinansiyal, umpisahan na ang kalakal na may kaugnayan sa kapaskuhan. Mapalad ang 5, 14, 25, 34, 40 at 43. Mahiwagang mong mantra: “Babanam-Ke-Balam.” Gray at white ang buenas.
HOROSCOPE (November 15, 2013)
MOST READ
LATEST STORIES
Read more...