KAKAIBANG talent naman ngayon ang ibabandera sa madlang pipol ng dating Star Magic artist at Nickelodeon star na si Eduard Bañez.
Kasama ang kanyang mga partners, gumawa sina Eduard ng isang bonggang dating app na ilo-launch na very soon.
Ayon kay Eduard nang makatsikahan namin sa chat message, nagsimula raw siyang magkaroon ng idea na gumawa ng dating app dahil napansin niyang parami na nang parami ang users nito.
“According to records, the number of users increased to 366 million in 2022. People devote their time to finding the ideal man and woman. They are still looking for love and connection,” chika ni Eduard na kasalukuyang nakabase sa Los Angeles, USA.
Isa rin ang dating ABS-CBN star sa naniniwala na malaking bagay ang dating apps sa buhay natin lalo na sa mga naghahanap ng partner in life.
“I love how we can connect with others through dating apps. Some were already in relationships and some were married dahil sa tulong ng dating apps. Pero, minsan, you know, you just want to have fun,” aniya.
“If you’re bored, create ka lang ng account and set your profile. It’s nice to meet new people,” dagdag pa ni Eduard.
Nagbahagi rin siya ng ilang key features sa bagong dating app na ginawa nila.
“Users are allowed to send virtual gifts. We all know that if we like someone, we offer him or her a present. That is the first phase,” sey ng binata.
“After each date, you keep a journal in the app where you write everything about the guy or girl you met through this app. We believe that we must be really direct about our feelings.
“We should tell them immediately whether we like the girl or the guy. It is also part of our push to be free to express ourselves using the app’s journaling feature,” paliwanag pa ni Eduard na naging bahagi ng Star Magic Batch 15 noong 2006.
Bukod sa kanyang ginawang dating app ay happy si Eduard na may bago siyang gagawang digital series na hindi pa niya pwedeng sabihin ang detalye.
“It’s a comedy series about sa students na magbabarkada, at ayun story ng lifestyle ng magbabarkada, college, high school, and elementary,” ang sey pa niya tungkol sa bagong project.
Samantala, bumuwelta rin si Eduard sa mga Indian at Israeli hackers na nang-hack ng kanyang account sa dating app.
“Indian and Israeli hackers are one of the most powerful in terms of tech world. They keep hacking my original specs of the dating apps connected to Google.
“Ginagamit nila and dating apps sa online gaming at fund stocks, and they’re making money on it,” aniya.
Natuklasan ni Eduard na ang dating apps niya at Facebook account ay puro hackers. Ang masaklap pa nito ay pati raw ang bank account niya ay na-access at nanakawan siya ng mahigit $300.
“Kanya-kanya ng diskarte ang mga hackers para makuha yung mga founder ng dating apps tapos they have the power also to hack my bank account. Ninakawan pa ako sa bank account ko ng $345,” aniya.
Dumulog at sumulat si Eduard sa FBI (Federal Bureau of Investigation) sa Los Angeles ngunit hanggang sa ngayon ay hindi pa rin natutugunan ang reklamo.