TRENDING sa META at X ang “Uninvited Eva” trailer kagabi nang ilabas ito sa Mentorque Facebook account.
Si Eva ang karakter na ginagampanan ni Ms. Vilma Santos sa pelikulang “Uninvited” na entry sa 50th Metro Manila Film Festival na mapapanood na sa December 25.
Ito’y mula sa direksyon ni Dan Villegas produced ng Mentorque Productions at Project 8 Projects and distributed by Warner Bros.
Nakakuha kami ng mga reactions ng netizens sa YouTube channel ng Mentorque.
“Walang spoiler sa trailer, hindi binigay ang buong kwento. Mukhang intriguing. I hope panoorin ng marami kasi very rare itong Aga, Vilma, Nadine combination. Walang lab team lab team, nice.”
Baka Bet Mo: Aga bet na bet maging kontrabida; Tirso feeling honored sa ‘Uninvited’
“Excited na ako!!! Ang tagal sa Pasko pa hahahah!”
“Nangangamoy Best Actress naman si Ate Vi!”
“Wow, grabe so intense, iba talaga pag Vilma Santos, that line will going to be classic “Tandaan mo ang pangalang papatay sa’yo.”
“Antagal ko nang pinaghandaan ito. Tandaan mong mabuti ang pangalan ng taong papatay sa ‘yo!’ With that line alone, Ate Vi has already sealed her spot as the MMFF Best Actress. Her brilliance is unmatched!”
“Dika sure. mukhang lalaban din si Nadine.”
“No 1 movie on MMFF 2024 3 brilliant actor Ate Vi, Aga and Nadine.”
“I like to watch this film! Very different local film! Vilma, Aga and Nadine looks very outstanding in this film!”
“Ang ganda ng Cinematography..parang Hollywood film. Exciting!”
“Grabeeee! Exciting! Ganda ng trailer at aktingan to the max si Ate Vi, Nadine at Aga! Heto ang pelikulang hindi ko palalampasing panoorin! Kudos to all the cast!”
“Intriguing ang trailer. Parang ang dark ng theme. Vilma, Aga and Nadine. Daring siguro si nadine dito. Parang eto lang at yun and the breadwinner ang interested ako panoorin.”
“Shet napamura ako sa ganda ng trailer. panigurado maganda ito lalo pa’t vilma santos pa ang bida! ito ang una kong papanoorin!”
“Tatak Mentorque : PANALO sa takilya at awards.”
“Excited to watch this with my whole clan! December 25 na po sana bukas..”
“Pwede toh ipadala as entry of the Philippines sa Oscar Awards for Best Foreign Film category.”
“Wow goosebumps! Papanorin namin itooooo.”