MARAMING Pinoy fans ang tuwang-tuwa nang bumisita sa ating bansa si Jonathan Roumie, ang kilalang aktor sa kanyang papel bilang si Jesus sa hit series na “The Chosen.”
Kamakailan lang, nagkaroon ng live fan meeting event ang American actor sa SM Megamall sa Mandaluyong City at mainit siyang sinalubong ng fans.
Present ang BANDERA sa event kaya nasaksihan namin kung paano siya pinagkaguluhan doon.
Matapos rumampa sa teal carpet, naglaan talaga siya ng oras sa mga tagahanga na kung saan ay nagpakuha siya ng litrato, pumirma ng autographs at nagbahagi ng mga personal na sandali na puno ng emosyon.
Baka Bet Mo: ‘Wicked’ movie mas binigyang-buhay at kulay, bet na bet ng fans
Nakakatuwa rin ang ibang fans dahil naka-costume pa sila ng kanilang paboritong karakter mula sa serye.
Bukod diyan, spotted din ang ilang sikat na personalidad na kilala ring tagahanga ng “The Chosen.”
Naroon sina Rabiya Mateo, Roxanne Guinoo, Andrea Del Rosario, Wendell Ramos, Betong Sumaya, Camille Prats-Yambao, at ang iconic na si Gary Valenciano.
During the fan meet, nagkaroon ang BANDERA ng pagkakataon na makachikahan si Jonathan.
Tinanong namin siya kung ano ang pakiramdam na finally ay na-meet na niya ang Pinoy fans.
“It is amazing!” sagot niya sabay tingin sa fans na todo hiyaw sa event.
Dagdag niya, “Just thank you so much for really loving the show and supporting the show from the beginning and God bless all the Filipino fans.”
Nabanggit din ni Jonathan ang misyon niya sa buhay: “I just see myself as a missionary or source, a media missionary, a media apostle… ‘The Chosen’ kind of put into focus exactly what my mission was to be… to spread Jesus’ name far and wide as best as I can.”
Nang usisain naman kung ano ang pinakamahalagang natutunan niya sa limang season ng serye, sey niya: “I think, what I’ve learned… is that there’s always further to go with my relationship with Christ. I can always get closer… ‘What would Jesus do?’ in this situation… and I fail constantly, but I just have to get back up, go to mass, go to confession, receive the Eucharist and stay prayed up and I know that I will be alright.”
Matapos ang fan event, nagkaroon ng special screening na pinamagatang “Christmas with The Chosen: Holy Night.”
Isa itong Christmas special na siguradong magpapaantig sa puso ng mga manonood.
Kasama sa pelikula ang ang musical video ng The Feast Worship, katuwang ang iba pang global gospel artists.
Eksklusibo itong mapapanood sa December 11 sa SM Cinemas.
Samantala, ang “The Chosen” ay isang makabagbag-damdaming serye na nakatuon sa buhay ni Hesus.
Nagsimula ito bilang isang crowd-funded project at ngayon ay isa sa pinakapinapanood na serye sa buong mundo na may mahigit 253 million views.
Ang ikalimang season ng hit series ay nakatakdang mag-premiere sa April 2025.
Ang Pilipinas ang ikatlo na may pinakamaraming manonood sa labas ng United States –sumunod ang Brazil at Mexico.