Neri Miranda ‘biktima’ lang, Kiko Pangilinan handang tumulong

Neri Miranda 'biktima' lang, Kiko Pangilinan handang tumulong

NAGPAHAYAG ng pagsuporta ang dating senador na si Atty. Kiko Pangilinan sa mag-asawang Chito at Neri Miranda.

Ito ay kasunod ng paglalabas ng statement ni Chito hinggil sa pagkakaaresto ng kanyang asawa noong Sabado, November 23 kaugnay sa kasong kinasasangkutan nito.

Matatandaang kinumpirma ng Southern Police District nitong November 26 na isang aktres na itinago sa alyas na “Erin” ang inaresto nila habang nasa isang convention center sa Pasay City dahil sa 14 counts ng violation ng security regulations code at estafa case.

Baka Bet Mo: Neri Miranda powerful ang nakabangga sa negosyo kaya agad naaresto?

Kalaunan ay kinumpirma na nga ni Chito amg kumakalat na balitang naaresto ang asawa ngunit sinabi nitong walang ginagawang kasalanan si Neri.

“Praying na ma-sort out na ang lahat ng ito…kawawa naman yung asawa ko.

“Never nanloko si Neri, at never sya nanlamang sa kapwa,” saad ni Chito.

Sinabi rin ni Chito na isa lamang endorser ang kanyang asawa at ginamit ito upang makakuha ng investment mula sa ibang mga tao.

Pinangalanan rin ni Chito si Chandra Atienza, ang may-ari ng Dermacare, na iniendorso ni Neri bilang may hawak umano ng lahat ng pera. Nasa post rin niya ang sulat na ipinadala nito sa kanyang asawa.

Sa comment section ay makikitang nag-comment si Atty. Kiko Pangilinan.

Aniya, handa siyang magbigay ng tulong para kina Chito at Neri.

“Narito kami handang tumulong Chito. Ang product endorser ay isang talent at hindi dapat nananagot sa iligal na gawain ng may ari at management ng isang korporasyon.

“Biktima rin si Neri tulad ng ibang nabiktima nung mga estafador sa likod ng kumpanya. Habulin dapat yung mga may ari.

“Nawa’y madismiss o maibalik ang kaso sa piskalya para sa preliminary investigation at ma lift o ma quash ang arrest warrant,” buong komento ni Atty. Kiko.

Sa hiwalay na IG post ay mas ipinaliwanqg pa ni Atty. Kiko na hindi dapat managot ang endorser sa iligal na operasyon ng kumpanyang iniendorso.

“Narito kami handang tumulong, Chito. Ang product endorser ay isang talent at kung walang koneksyon o kinalaman sa ownership or management at operations nung kumpanya na involved sa iligal na operations ay hindi dapat managot sa nasabing iligal na gawain.
Ako mismo ay saksi sa kabaitan ni Neri. Nabiktima din si Neri ng mga estafador at ang dapat habulin dito ay ang may ari at nagpapatakbo ng kumpanya.

“At dagdag pa, dahil walang natanggap na anumang mga notice sina Chito at Neri sa kaso, kwestyonable ang ligalidad ng warrant of arrest na dapat kwestyunin sa Hukuman.
Nawa’y ma dismiss na ang kasong ito outright o di kaya maibalik sa piskalya for preliminary investigation at in the meantime ay maquash o ma set aside yung arrest warrant,” lahad ni Atty. Kiko.

Nagpasalamat naman si Chito sa pagsuportang ipinakita ni Atty. Kiko.

“Salamat Kuya Kiko. Sana ma-release si Neri agad kasi wala naman sya notice na natanggap. Handa naman sya humarap sa court kung kelangan eh…pero paano nya idedefend sarili nya eh warrant na agad binigay sa kanya na walang bail,” saad ni Chito.

Read more...