PANAY ang hiyaw dahil nakainom na ang award winning actor na si Soliman Cruz sa katatapos na 39th PMPC Star Awards for Movies nitong Linggo, Nobyembre 24.
Nag-enjoy marahil ang aktor sa unlimited drinks na offer ng Winford Hotel kung saan ginanap ang nasabing event dahil panay ang hiyaw nito sa mga umaakyat sa entablado para tanggapin ang kanilang tropeo.
O baka kasi hindi siya nagwagi bilang isa rin sa nominado as Movie Supporting Actor of the Year para sa pelikulang “Blue Room” at tinalo siya ni Mon Confiado na ang pelikula ay ang “Nanahimik ang Gabi”.
Baka Bet Mo: Dimples, Baron, Mon at Nadine big winner sa 2024 PMPC Star Awards
Pero kasi binabati naman niya ang mga nanalo ‘yun nga lang ay pasigaw niya ito sinasabi kaya akala ng lahat ay nagwawala ito at lasing pero ang totoo ay sobra siyang masaya nu’ng gabi.
Hindi lang gaano maintindihan ang sinasabi ni Soliman kaya pati si Gladys Reyes na isa sa host ng 39th Star Awards for Movies ay nagbiro ring, “parang may sumisigaw do’n.”
Nang umakyat na si Baron Geisler sa stage para tanggalin ang kanyang Best Actor trophy para sa pelikulang “Doll House” ay pasigaw siyang binati ni Soliman kaya nagkatawanan ang lahat ay may binanggit na birong sila lang ng una ang nakakaalaman.
Pagkatapos namang batiin ni Soliman si Baron ay tahimik na siya at nakikipag-kuwentuhan na sa mga kasama niya.
* * *
“Wicked”, “Conclave”, at “Highlight” binigyan ng “PG” rating ng MTRCB; “R-13” naman para sa Kang Mak.
Inilabas na ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang klasipikasyon ng mga pelikulang ipalalabas sa linggong ito.
Rated PG (Patnubay at Gabay ng Magulang) ang “Wicked,” na halaw sa isang musikal at pinagbibidahan nina pop icon Ariana Grande at Cynthia Erivo.
Sina Board Members JoAnn Bañaga, Eloisa Matias at Neal Del Rosario ang nagrebyu ng pelikula. Sa PG, kailangang kasama ng mga magulang o nakatatanda ang edad 12 at pababa sa loob ng sinehan.
Rated PG din ang “Conclave,” na sumentro sa moralidad at pulitika sa loob ng simbahang Katolika, at “Highlight,” na hango sa konsert ng kilalang Korean band na Highlight.
Ang “Kang Mak” mula Indonesia ay hango sa Thai horror comedy na “Pee Mak,” ay Rated R-13 (Restricted-13). Ibig sabihin, edad 13 at pataas lamang ang pwedeng manood ayon sa desisyon nina BMs Jerry Talavera, Juan Revilla at Frances Hellene Abella.
“Ating hinihikayat ang mga magulang na responsableng gabayan ang mga bata para sila’y matutong makapili ng angkop na palabas sa ating mga sinehan,” sabi ni MTRCB Chairperson at CEO Sotto-Antonio.”