Novellino Wines, 25 taong nangunguna sa merkado

Sa isang pambihirang pagkakataon, ibinukas muli ng Novellino Wines ang kanilang 1.3-hektaryang planta sa Canlubang, Laguna sa mga espesyal na panauhin at miyembro ng press. Naganap ito noon ika-17 ng Oktubre, 2024 sa pagdiriwang ng ika-25 anibersaryo ng kumpanya.

Sa patnubay at paggabay ni Novellino Wines President and General Manager Chris Quimbo, nilibot ng mga panauhin ang planta upang masaksihan kung paano ginagawa ang Novellino Wines, ang paborito at nangungunang brand ng wine sa bansa.

“Sa aming pag-aaral, nabatid naming umiinom ang maraming Pilipino ng wine hindi para malasing kundi para ma-enjoy ang matamis na lasa na angkop sa nga espesyal na pagdiriwang,” sabi ni Quimbo.

Ang naturang pasilidad ay kayang makagawa ng hanggang 30,000 litro ng wine sa isang ‘batch.’ Ang produksyon ay may limang proseso—magmula sa permentasyon ng katas ng ubas na angkat pa sa mga bansa sa tatlong kontinente hanggang sa pagsasabote ng mga produkto.

Ipinagmamalaki ng Novellino na ang naturang planta ay isa sa pinakamalaki hindi lang sa Pilipinas kundi sa buong Asya. Ginastusan din ng kumpanya ang isang pambihirang makina na sila lang ang mayroon sa Pilipinas at isa sa mangilan-ngilan lang sa Timog-Silangang Asya.

“Malayo na ang nilakbay ng Novellino mula noong nagsimula kami noong 1999 sa isang maliit na lokasyon sa Valenzuela,” saad naman ni Vicente ‘Nonoy’ Quimbo, and nagtatag at kasalukuyang CEO ng Novellino Wines. “Sa loob ng 25 taon, ating napagtagumpayan ang maraming hamon, kabilang na ang nagdaang pandemic, kung kailan naging malakas pa rin ang Novellino imbes na humina, gaya ng nangyari sa mas nakararaming negosyo noong mga panahong iyon.”

Sa katunayan, nadagdagan ng dalawang produkto ang Novellino nitong pandemic, sa halip na mabawasan. Non-alcoholic ang nasabing dalawang produkto, na nagawa ng kumpanya noong mga panahon ng lockdown, kung kailan bawal magbenta ng mga nakalalasing na inumin. Hanggang ngayon, popular pa rin sa merkado ang dalawang produkto.

Sa kasalukuyan, mayroon nang 17 iba’t ibang uri o produkto ng Novellino Wines ang mabibili sa mga tindahan sa buong bansa at sa ilang piling bansa kung saan marami ang mga overseas Filipino workers (OFWs). Ikinatutuwa ng kumpanya na unti-unting nagiging popular sa mga Pilipino ang wine, lalo na pag may okasyon gaya ng Pasko at kaarawan.

Ang Novellino Wines ay naiiba kumpara sa ibang wines na angkat sa ibang bansa dahil sa naiibang tamis nito. Ayon kay Ginoong Nonoy Quimbo, mas masalimuot at mahirap ang proseso sa kanilang paggawa sa kadahilanang dapat agarang itigil ang permentasyon sa isang punto upang mapigilan din ang pag-convert ng asukal sa alkohol at upang mapanatili ang tamis ng katas ng ubas.

Mabibili ang Novellino Wines sa inyong mga suking grocery at tindahan.

 

ADVT.

This article is brought to you by Novellino.

Read more...