GAME na game ang veteran actress na si Chanda Romero na makatrabaho ang actor-director at Teleserye King na si Coco Martin.
Feeling happy and thankful si Chanda nang makarating sa kanya ang naging pahayag ni Coco na isa siya sa mga veteran stars na nais nitong makasama sa kanyang proyekto.
Ayon kay Chanda, matagal na rin niyang gustong maka-work sa isang project pero hindi pa nga sila nabibigyan ng pagkakataon kaya naman nang malaman niyang nais siyang makatrabaho ni Coco ay yes na yes siya agad.
Sa interview ng ABS-CBN kay Chanda, sinabi ng award-winning character actress na ready siya anytime sakaling makatanggap ng offer sa lead star at direktor ng “FPJ’s Batang Quiapo.”
Baka Bet Mo: Chanda Romero inalala ang pagkamatay ng ina: Hindi ako nakauwi…
“Ang tagal naman. Bakit hanggang ngayon wala pa rin Coco?” ang birong chika ni Chanda.
“Of course, flattered ako. In truth talagang sabi ko, ‘Sino ba ang manager ni Coco Martin?’
“Hinanap ko siya through friends and I talked to the manager and said ‘That is so flattering and hey why not? I’d like to work with him too,'” ang sey pa ng beteranang aktres.
Nasabi ni Coco sa isang panayam na pangarap niyang makasama at maidirek ang mga movie icon tulad nina Chanda, Gina Alajar at Rio Locsin sa “Batang Quiapo.”
“Marami. Sabi ko nga gusto kong makatrabaho sila Chanda Romero. Actually yung mga mahuhusay nating actresss, actors. Gina Alajar, sina Tita Rio Locsin,” sey ni Coco.
Nauna rito nangako rin ang aktor na pinaplano na rin nila na ipasok sa “Batang Quiapo” ang isa pang movie icon na si Gina Pareño na humiling sa kanya na mabigyan sana siya ng work.
“Actually, nakaano na nga ‘yan, eh. Hindi kasi pwede sasalang mo agad. Sabi ko, hindi kasi ako nagbibigay ng trabaho for the sake na mabigyan mo ng trabaho.
“Gusto ko, binigyan ko ng trabaho kasi may dahilan, may rason at may importansya ‘yung role niya. Inaaral ko ‘yun kasi ayaw ko mararamdaman nila na ay kahit hindi naman ako ‘to, hindi ako binigyan ng value,” pahayag ni Coco sa ulat ng ABS-CBN.
“Tsaka lola ko ‘yan. Sobrang mahal na mahal ko yan. At si Tita Gina, isa sa mga nag-alaga at nagturo sa akin nu’ng nagsisimula ako sa TV.
“Talagang kung ano ako ngayon, isa sa mga disiplina ko, ‘yung pagtutok ko sa trabaho, ‘yung characterization, galing sa kanya,” pagbabahagi pa “Batang Quiapo” star.