DARK, sexy, palaban sa bardagulan! Ilan lang yan sa pwede naming ibigay na description sa character ni Nadine Lustre sa Metro Manila Film Festival 2024 entry na “Uninvited.”
Base sa inilabas na official trailer ng pelikula sa ginanap na bonggang grand launch at mediacon kagabi sa Grand Ballroom ng Solaire North sa Quezon City, mukhang masa-shock ang fans ni Nadine sa mga ginawa niyang pasabog na eksena.
Ayon sa award-winning actress, first time niyang mag-portray ng isang dark role at nagpapasalamat siya na napasama siya sa naturang proyekto dahil bukod nga sa kasali ito sa 50th edition ng MMFF ay kasama pa niya ang kanyang mga idol na sina Vilma Santos at Aga Muhlach.
Last year, naging blockbusted hit ang MMFF entry ni Nadine na “Deleter” at inaasahan ng marami na mas magiging bongga ang resulta sa takilya ng “Uninvited” kung saan mas na-push pa ang akting ng aktres.
Baka Bet Mo: ‘Uninvited’ ni Nadine kaabang-abang ang teaser drop, umani agad ng papuri
“It is a huge change from all the roles I have done before. Everyone knows me from romcoms and dramas, romance stuff.
“My roles are always mabait na anak, palaban, pero mabait. This time, I was able to explore and try a different side of acting,” ang pahayag ni Nadine sa presscon ng “Uninvited.”
“I wanted you to see, ‘ano pa kaya ang kaya kong gawin? Sobrang extreme from my previous characters, something I always wanted to do.
“I love exploring. Hopefully, maging darker pa ang characters ko,” aniya pa. Dagdag ni Nadine, talagang pinag-aralan niya ang bawat detalye ng kanyang role bilang paghahanda sa mga bardagulan scenes nila nina Aga at Ate Vi.
Sa trailer ng movie, ipinakita ang makapanindig-balahibo nilang eksena ni Aga, kabilang na ang tagpong pinagmumura niya ang premyadong aktor.
“Iba ‘yung pakiramdam makaeksena si Kuya Aga. That scene, everytime after ng eksena, may adlib si Kuya Aga. After paglabas ng pintuan, tawa ako nang tawa.
“Hindi naman siya awkward, natuwa ako natawid namin eksena. Pero I would say if you watch the trailer triggering in a way pero nakakatawa lang knowing si Kuya Aga, ang layo ng personality niya,” pagbabahagi pa ni Nadine.
Ang tagline ng pelikula ay “Hindi lang ‘to basta party!” ay mas nakadagdag pa ng misteryo sa tunay na kuwento nito. Ano nga ba ang mga lihim ng bawat karakter at ano ang koneksyon nila sa isa’t isa?
Mula sa Mentorque Productions ni Bryan Diamante, at ng Project 8 Projects sa pakikipagtulungan ng Warner Bros. Pictures, ang “Uninvited”, inaasahan ang hindi na naman malilimutang obra ni Direk Dan Villegas na isinulat ni Dodo Dayao.
Kasama rin sa cast sina RK Bagatsing, Mylene Dizon, Lotlot de Leon, Gabby Padilla, Elijah Canlas, Ketchup Eusebio, Gio Alvarez, Cholo Barretto, Ron Angeles, at Tirso Cruz III. Showing na ang “Uninvited” sa December 25, bilang bahagi ng MMFF 2024.