MUKHANG deadma lang ang atake ng Kapamilya actress na si Francine Diaz sa mga sinasabi ng bashers laban sa kanya.
Sa latest vlog na ibinahagi ng dalaga sa sa YouTube noong November 17, naglabas siya ng saloobin laban sa mga taong hindi siya gusto.
Sa naturang vlog ay natanong siya kung anng sentence ang masasabi niya sa mga taong ayaw sa kanya.
“Thank you talaga,” saad ng dalaga.
Baka Bet Mo: Francine Diaz graduate na ng Senior High School: ‘Nakaka-proud ka!’
Pagpapatuloy pa ni Francine, “Ako sa sarili ko, ha, sino ba ako para pag-aksayahan n’yo ng panahon? Para magtu-tweet-tweet kayo, gumawa kayo ng videos mag-comment kayo na, ‘ang panget ng mukha ni Francine! Ang panget ng ugali niya! Ang laki ng bunganga! Ang laki ng mukha niya!’”
Takang-taka pa nga ang dalaga dahil napapansin pa ng mga bashers ang mga simpleng detalye tungkol sa kanya.
“Napansin n’yo ‘yon? Sobrang observant n’yo naman sa akin. But seriously, thank you,” sey pa ni Francine.
Nagpapasalamat ang aktres dahil sa tuwing may naririnig o nababasang hindi magandang mga komento mula sa bashers ay mas nari-realize niya na talagang marami na sa mga madlang pipol ang nakakakilala sa kanya.
“Kasi kung hindi naman ako nakikilala, ’di n’yo naman ako papansinin, e ” sabi ni Francine.
“Sino ba ko para i-bash n’yo? So thank you for all of the hate comments. Go on. Keep ’em coming,” pagpapatuloy pa nila.
Hindi naman ito ang unang pagkakataon na nakatanggap ng pambabatikos si Francine mula sa bashers.
Nito lamang Agosto 2024 ay nagpahayag na rin siya ng saloobin sa mga pumapansin at pumipintas sa kanyang panga.