SUPER imbiyerna si Cristine Reyes sa isang tila basher niya sa social media.
Kasi naman, sinita-sita nito ang pagka-clubbing ni Cristine noong kasagsagan ng bagyong Yolanda. Apparently, nakita niya ito o kaya naman ay may nakakita kay Cristine while inside a club at itsinika ito sa kanya.
Isang @reniel_aquino23 ang nag-post sa Instagram ng ganito: “Y don’t you help Cristine? Instead of going to the night club the other night.”
Instant ang naging tugon ni Cristine sa kanyang queencristinereyes Instagram account.
“Hi may problema ka ba sakin? may dapat ba tayong pag-usapan? please contact @miguellaureta my road manager from @vivaartistsagency if ever na may utang ako sayo at ganyan ang galit mo sa akin. Wag ka na magdamdam.
“Padala ko sa’yo lahat ng donations namin ng mga kaibigan ko at family ko. nakakahiya kasi mag-post ng mga pagtulong ko sa mga biktima sana maunawaan mo. selfie ko rin ang relief goods namin para sayo. wag ka na po kayo magalit. mwah #peace #love and sabi ni @egarivera #rock&roll,” sagot ni Cristine sa basher.
Cristine’s fans got back at the basher. Talagang hindi nila pinalampas ang katampalasan ng guy.
“Ma’am Cristine baka po siguro di nila alam na may mga previous engagements kayo bago pa dumating si Yolanda sa ‘Pinas.At di po nila alam na may sense of responsibility kayo as Artista sa mga napangakuan nyo. . And as of helping the victims of Typhoon Yolanda,pwde naman po kayo tumulong anytime you want kase walang time limit ang pag tulong sa kanila. In fact its on going kaya u dont hv to explain to them,” one fan tweeted.
Ang feeling naman ng isa pang maka-Cristine ay, “May mga taong makikitid talaga ang pagiisip, imbis na wag na lang kumibo at tumulong kelangan pa talaga magcomment ng ganyan, hayaan mo na lang Cristine Reyes, alam naman ng Diyos ang lahat ng kabutihan ginawa mo sa kapwa mo, kalma lang.”
Sa point of view naman ng isa pang maka-Cristine ay, “Marami talagang ngkalat n papansin para sumikat lng at mabigyan ng puwang sa social media… ang hirap nmn nito tumulong k n di pinapaalam …pupunahin n di man lng tumutulong… kpag pinakita mo nmn ang relief goods n ipapadala mo pupunahin rn… ayyy naku saan b talaga lulugar … mahirap talagang mging public figure… Basta sa akin Only Gods Knows who really you are… tama b?”
“Un lng… sbi nga nila billy at vhong…ARTISTA NA YAN. yan ksi iwasan mong maging judgmental. wag ka nang pumapel sa mga gngwa ni Cristine. sa pang araw-araw nia… kung gusto nia mag club with her friends.
“Di nman nia na kakalimutan tumulong sa mga na ngangailangan dhil naranasan din ni cristine n masalanta ng bagyo… kya wag ka nang pumapel kuya ha…ipagdasal nlng ntin na mging maayos na ang lahat,” mensahe naman ng isa pang guy.
Pero meron namang isang sumang-ayon sa basher and said, “Hihihihih=)) tama nman yun lalaki! Paki-tignan ninyo previous posts at pati date ng posts ni Cristine Reyes puro party at nightclub! kelan lg b cia ngconcern sa Yolanda victims? parang knina lg umaga! it’s too late last Fri. n occured yun Yolanda! ilan araw na? Too late! kung hdi kmi ngcriticize c Cristine Reyes! Hdi nman niya Gagawin! ihihihihihi=)).”