Ang Right Start Foundation ang beneficiary ni Yeng Constantino para sa concert niyang “Plugged-in: Yeng Constantino Birthday Concert” na gaganapin sa Nob. 30 sa Samsung Hall, SM Aura Global City, Taguig mula sa produksyon ng Cornerstone Concerts at Academy of Rock Singapore mula sa direction ni Ria Villena Osorio.
Pero dahil sa nangyaring trahedya sa Tacloban at Leyte ay lahat ng mabebentang tickets sa SM Ticketnet at Ticketworld ay ididiretso na sa Yolanda victims.
Base rin sa nakaraang “InTENse” concert ni Erik Santos sa PICC ay magbibigay din siya ng bahagi ng kita sa mga nabiktima ng bagyo bukod nga sa Bossom Buddies.
Dumating naman sina Yeng at manager niyang si Erickson Raymundo mula sa Singapore noong Miyerkules ng gabi para sa promo ng kantang ini-record ng Pinay singer kasama ang Singaporean artist na si Shseik Haikel, at talagang naka-monitor sila sa bawa’t nangyayari sa mga nasalanta ni Yolanda.
Ayon sa post ni Erickson sa kanyang Facebook account may kabagalan ang distribution ng relief goods sa Visayas, “Let’s speak blessings to our leaders. I’m disappointed and frustrated too in some ways and I have expressed my hopes in my previous posts but
I also believe they are doing their best to deal with the situation.
“Attacking our government NOW will not help but extending help NOW will make a difference. May God give our leaders divine wisdom and may He touch more people to give,” sabi pa ni Erickson Raymundo.