NAGPASALAMAT si Chelsea Manalo sa pagmamahal at suportang ibinigay sa kanya ng sambayanang Filipino sa paglaban niya sa Miss Universe 2024.
Kahit na hanggang Top 30 lamang ang naging journey niya sa naturang international pageant ay para na ring nanalo si Chelsea dahil sa nararamdaman niyang love from her kababayan all over the universe.
“I’m so happy I got to make it here in Miss Universe that never in my wildest dream I thought I would be able to do so,” ang pahayag ni Chelsea sa panayam ni Dyan Castillejo ng ABS-CBN.
Sey pa ng dalaga, ang maging representative pa lamang ng Pilipinas sa Miss Universe ay maituturing na niyang dream come true at winning moment.
“I was just that little girl hoping I will be waiving in front of the Miss Universe stage and I did.
Baka Bet Mo: Chelsea Manalo deserving nga bang maging Miss Universe PH 2024?
“I did my best. I am so happy I was with so many powerful women here. I know that with or without a crown you still win and as what I have said, they are full of a galaxy of stars in here but we are just about to shine,” pahayag ni Chelsea.
Sa tanong naman ni Dyan kung ano ang mga plano niya pagkatapos ng kanyang Miss Universe journey, “I am flying soon and you know spend some time now with my parents (in California) before I go back to the Philippines. Pero I am so excited to go back home.
“It was such a journey so I’m so excited to be back home,” dagdag ng Pinay beauty queen.
Ito naman ang message niya para sa lahat ng Filipino na sumuporta sa kanya, “Maraming, maraming salamat po sa inyong lahat sa suportang ibinagay ninyo sa akin, sa tiwala na ibinagay niyo sa akin, nilaban ko kayo.
“Tuloy tayong lalaban. That’s how Filipinos are. Hindi na ako makapaghintay na makauwi to celebrate with you guys!” saad pa ni Chelsea.
Naganap ang grand coronation night ng Miss Universe 2024 kahapon (Manila time) sa Arena CDMX, Mexico. Ang bet ng Denmark na si Victoria Kjaer Theilvig ang itinanghal na bagong reyna.