HETO na ang inaabangan ng pageant fans at ng buong universe –ang Top 5 finalists ng Miss Universe 2024 na sasabak sa question and answer portion!
Ang mga nakapasok sa final round ay sina:
Nigeria – Chidimma Adetshina
Mexico – Maria Fernanda Beltran
Denmark – Victoria Kjær Theilvig
Thailand – Opal Suchata Chuangsri
Venezuela – Ileana Marquez
Baka Bet Mo: Chelsea Manalo bigong makapasok sa Top 12 ng Miss Universe 2024
Exciting ang part na ‘to dahil diyan malalaman kung sino ang mag-uuwi ng nag-iisang korona ng Miss Universe 2024 pageant na kasalukuyang ginaganap sa Mexico.
Bukod sa top winner, pipiliin din ang four finalists na magiging runner-ups ng kompetisyon.
May nabalitaan din kami na magkakaroon ng four continental queens sa Miss Universe, ngunit hindi pa malinaw kung ibang set ito o mula sa Top 5.
So, sino kaya sa kanila ang makakapukaw at mag-iiwan ng marka base sa magiging sagot nila sa Q&A portion?
Nako, abangan natin mga ka-BANDERA!
Ang reigning Miss Universe na si Sheynnis Palacios ng Nicaragua ang magpapasa ng korona at titulo sa kanyang magiging successor ngayong taon.
Samantala, ang ating pambato na si Chelsea Manalo ay napabilang sa Top 30 qualifiers, ngunit hindi na nakapasok sa Top 12 semifinalists.
Ang Bulakenya beauty queen ang kauna-unahang Filipino of Afro-American descent na inilaban ng Pilipinas sa nasabing international competition.
Ang mga Pinay queens na nauna nang nagwagi sa Miss Universe ay sina Gloria Diaz noong 1969, Margie Moran in 1973, Pia Wurtzbach noong 2015, at si Catriona noong 2018.