Bride naloka, 5 tao lang ang um-attend sa kanyang dream wedding

Bride naloka nang 5 tao lang ang um-attend sa kanyang dream wedding

Kalina Marie kasama ang kanyang groom at anak

MGA ka-BANDERA, ano kaya ang  gagawin n’yo kung sa 40 katao na nag-RSVP sa pinaghandaan ninyong kasal ay limang bisita lang ang um-attend?

Nakakaloka! Pero iyan nga ang nangyari sa wedding day ng isang bride na nagngangalang Kalina Marie at ng kanyang groom mula sa Oregon, USA.

Ipinost ni Kalina sa TikTok last November 6 ang video ng kanilang kasal kung saan makikita ngang walang tao sa reception kalakip ang paglalabas niya ng sama ng loob sa pangyayari.

Base sa video, ipinakita ng bride ang entrance ng venue kung saan magaganap ang reception (Masquerade Ball ang konsepto) na matagal na niyang pinapangarap.

Baka Bet Mo: Gary ayaw nang mag-concert nang solo sa loob ng 3 oras at walang pahinga

Ngunit sa kasamaang-palad, hindi nga dumalo ang kanyang inimbitahang mga kapamilya at malalapit na kaibigan kaya hindi na nangyari ang inaasam na mala- fairytale na kasalan.

Ayon kay Kalina 75 katao ang pinadalhan niya ng digital invitation at 40 sa mga ito ang nag-RSVP sa kanilang kasal.

Pahayag ni Kalina, “Five people showed up! Like, are you kidding me? As you see in the video, we enter the venue. And no one is there.”

Sabi pa ng bride, ala-una ng hapon naka-schedule ang reception pero, “My mom messaged me at 1:15 p.m. that no one was there.

“My husband and I finally showed up at 2 p.m. to five people in a venue planned for 40,” aniya pa.

Nasayang din daw ang mga inihanda nilang pagkain at drinks para sa kanilang mga invited guests.

Himutok pa ni Kalina, bago ang wedding, ini-imagine na niya ang paglalakad sa aisle ng venue habang nagsisigawan at nagpapalakpakan ang kanilang bisita.

“But all you see is a woman trying to hold herself together because she had no idea how to deal with her venue being almost completely empty,” sabi ng frustrated bride.

Sa kabila nito, itinuloy pa rin nila ang handaan kahit sila-sila lang. Sabi ng bride, “But all I know is, I have my man. My baby. And family that shows up when I need them. And for that, I will be thankful.”

Rumampa pa rin ang bride at groom na magkahawak-kamay sa aisle ng venue kasama ang kanilang anak na lalaki  habang tumutugtog ang “When I Look at You” ni Miley Cyrus.

Sinamahan din ang newly-weds ng lima nilang bisita sa kanilang first dance.

Sabi pa ni Kalina sa kanyang TikTok video, hindi pa rin daw niya ma-explain kung bakit dinedma ng kanyang mga mahal sa buhay ang kanyang wedding.

“Am I that bad of a person? What did my husband ever do to deserve any of this?

“Why couldn’t we matter enough for people to show up?

“I still have ‘friends’ that haven’t even messaged me to congratulate me or tell me why they didn’t come. It truly makes me sick. I honestly can’t wrap my head around this yet,” ang masamang-masama ang loob na pagbabahagi pa ng bride.

Siyam na taon nang nagsasama si Kalina at ang kanyang partner bago sila nagdesisyong magpakasal.

Nagbigay din siya ng update hinggil sa pangyayari makalipas ang ilang araw kung saan inamin niyang na-trauma sila sa araw ng kanilang kasal, “Ans still moving through the stages of grief.”

Dugtong pa niya tungkol sa mga bisitang nag-yes pero hindi sumipot, “I wouldn’t even wish this on my worst enemy.”

Marami namang netizens ang nakisimpatya sa mag-asawa at nagsabing sakaling maisipan nilang ulitin ang kasalan ay talagang pupunta sila para hindi na maulit ang nangyari.

“Let’s do it over. This time invite me and the rest of us. We’ll show up and out. I love you, beautiful and congratulations!” sabi ng isang netizen

Nagpasalamat naman si Kalina sa lahat ng mga nag-post ng message para sa kanilang mag-asawa.

Read more...