FOLLOW-UP ito sa nauna naming naisulat patungkol kay Kathleen Hermosa na nagbabala sa pagkolekta at pagbili ng Labubu Dolls.
Kung matatandaan, shinare ng aktres ang isang video na ipinapakita ang pinagmulan ng nasabing mga laruan na based sa Nordic mythology at isang “devil’s pet.”
Dahil diyan, nagpahayag ng opinyon si Kathleen at ang nilagay na caption sa ni-repost ay, “Be vigilant guys.”
Sa recent Instagram post ng kapatid ni Kristine Hermosa, muli siyang nagsalita upang sagutin ang mga nagme-message at namba-bash sa kanya.
Ibinandera rin niya ang article ng BANDERA na kung saan siya ay nagbigay abiso about sa Labubu Dolls.
Ayon sa kanya, ito na ang huling beses na tatalakayin niya ang tungkol dito sa collectible toys hindi bilang isang content creator kundi isang concerned netizen.
Baka Bet Mo: Labubu Dolls ‘demon’s toys’ daw, Kathleen Hermosa nagbabala: Be vigilant!
“I’m really happy that it is famous. I’m really happy with the joy that it gives to a lot of people,” bungad niya sa video.
I do not have any motives but to really just say my piece. I am not teaching, preaching or insinuating whatsoever. Nandito ako para lang magbigay ng stand ko on what I believe in. It can be different from your, okay?” paglilinaw niya.
Ipinaliwanag ni Kathleen na nagsagawa siya ng research about sa Labubu dahil na-curious siya sa biglang pagsikat nito hanggang sa natagpuan na nga niya ang artist sa likod ng viral toy.
Hindi niya raw ito nagustuhan, lalo na sa nakita niyang post ng artist na kamukha ng Labubu na kulay pula at may nakalagay na “666” sa katawan.
“Hindi dahil sa ayaw ko siya, [but] that’s how the enemy works,” sey niya na ang tinutukoy ang ang kalaban ng Diyos –ang mga demonyo.
Patuloy niya, “The enemy would try to get in your home, in every area of your life. And let’s not underestimate the toy kasi it can actually affect our subconscious mind.”
Dagdag pa niya, “I don’t find it cute. Sorry for all those na magagalit sa akin I’m aware of that and also I’m aware of the cancellation of that.”
Hindi rin niya inaasahan na lahat ay sasang-ayon sa kanyang opinyon, pero nakiusap siya sa publiko na magsagawa ng research.
“I’m not here to scare you, to give you fear. Matatanda na tayo dito. You already know what to do. Just please do some research. Kaya nga sinabi kong be vigilant,” saad ng aktres.
Aniya pa, “I’m just really reminding you guys. Let’s be careful, let’s take our hearts, our minds, our body and soul. Let’s protect it from anything that would capture us, would destroy us, would not give us peace.”
Sa comment section, maraming netizens ang sumang-ayon sa kanya at narito ang ilan sa mga nabasa namin:
“Thank you for this, you represent us to those who don’t find it cute in the 1st place.”
“Had to dispose of my labubu as soon as I found out about its origin + it’s scaring my son for some reason.”
“Same sentiments. Never find it cute at all. Hindi porket uso or trend lahat susunod at bibili.”
“I’m with you @kathermosa at I’m not a fan of this toy and I’m discouraging my daughter also. The toy is scary, not CUTE. “
“Thank you for standing up on what is right and true! It takes much conviction to face the backlash, but you risk it for the love of our Lord Jesus !”