Babala ng PNP: Mag-ingat sa ‘text scams’ ngayong holiday season

Babala ng PNP: Mag-ingat sa ‘text scams’ ngayong holiday season

MARAMI ang excited sa papalapit na holiday season pero paalala lang mga ka-BANDERA, ingat ingat sa mga tinatawag na “text scams!”

Sa isang pahayag noong Biyernes, November 8, nagbabala ang Philippine National Police Anti-Cyber Crime Group (PNP-ACG) patungkol sa Short Message Service (SMS) o text scams na kung titingnan ay mukhang mga lehitimong message threads kaya marami ang naloloko.

“If you receive a message with links pretending to be from a bank or financial institution, it is likely a spoofing scam,” sey ni ACG officer in charge Col. Vina Guzman.

Baka Bet Mo: Niño inilantad ang palitan ng text ni Sandro at ng 2 inireklamong writer

Paliwanag niya, “In this type of scam, cybercriminals fake an email address, phone number, or website to make it look like it is from a trusted source. They use malicious software to make the message appear real.”

Kaya ang payo ng ACG officier, maging alerto sa pagbabantay ng online transactions.

“Never click on suspicious links, and always verify transactions directly with your bank or financial institution,” sambit niya.

Ani pa ni Col. Guzman, “Remember: think before you click to avoid falling victim to text scams.”

Read more...