MAKAKATIKIM ng hagupit ng bagyong Marce ang bahagi ng Cagayan anumang oras.
Ito ang babala ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) sa inilabas na 11 a.m. weather report ngayong araw, November 7.
Huling namataan ang bagyo sa layong 115 kilometers silangan ng Aparri, Cagayan.
Ang taglay nitong lakas na hangin ay 175 kilometers per hour malapit sa gitna at bugsong aabot sa 215 kilometers per hour.
Kasalukuyan itong kumikilos sa bilis na 10 kilometers per hour pa-kanluran.
Baka Bet Mo: ‘Single mom’ na nag-viral matapos magnakaw ng handa para sa anak, walang katotohanan?
Ayon sa PAGASA, ang weather disturbance ay magla-landfall at tatawid sa Babuyan Islands at sa northern portions ng mainland Cagayan, Ilocos Norte, at Apayao simula sa hapon(November 7) hanggang bukas ng umaga (November 8).
Abiso ng ahensya sa mga nabanggit na lugar, “Potentially life threatening conditions due to typhoon-force winds, storm surge inundation, and torrential rainfall will be experienced.”
Sinabi rin ng weather bureau na ang bagyo ay posibleng lumabas ng ating bansa bukas ng hapon o gabi (November 8).
Dahil sa bagyo, nakataas ang Tropical Cyclone Wind Signals sa malaking bahagi ng Luzon. Narito ang listahan:
Signal No. 4
Northern portion ng Cagayan (Gonzaga, Santa Ana, Santa Teresita, Lal-Lo, Buguey, Aparri, Camalaniugan, Gattaran, Ballesteros, Allacapan, Abulug, Pamplona, Sanchez-Mira, Claveria, Santa Praxedes, Lasam) kasama na ang Babuyan Islands, northern portion ng Apayao (Santa Marcela, Luna, Flora, Calanasan, Pudtol), at northern portion ng Ilocos Norte (Pagudpud, Bangui, Vintar, Dumalneg, Adams, Bacarra, Pasuquin, Burgos)
Signal No. 3
Batanes, ang nalalabing bahagi ng Cagayan, Apayao at Ilocos Norte, pati na rin ang northern portion ng Abra (Tineg, Danglas, Lagayan, Lacub, San Juan, La Paz, Bangued), at northern portion ng Ilocos Sur (Sinait, Cabugao, San Juan, Magsingal, Santo Domingo)
Signal No. 2
Northern at central portions ng Isabela (San Pablo, Santa Maria, Divilacan, Tumauini, Maconacon, Cabagan, Santo Tomas, Quezon, Palanan, Ilagan City, Mallig, Delfin Albano, Quirino, San Mariano, Gamu, Roxas, Naguilian, Burgos, Reina Mercedes, Benito Soliven, Luna, Aurora, San Manuel, San Mateo, Alicia, Angadanan, City of Cauayan, Cabatuan), the rest of Abra, Kalinga, Mountain Province, northern portion ng Ifugao (Alfonso Lista, Aguinaldo, Mayoyao, Banaue, Hungduan), northern portion ng Benguet (Bakun, Mankayan), natitirang lugar ng Ilocos Sur, at northern portion ng La Union (Sudipen, Bangar, Balaoan, Luna, Santol)
Signal No. 1
Pangasinan, ang mga nalalabing bahagi ng La Union, Ifugao, Benguet at Isabela, gayundi ang Quirino, Nueva Vizcaya, northern at central portions ng Aurora (Dilasag, Casiguran, Dinalungan, Dipaculao, Maria Aurora, Baler), northern portion ng Nueva Ecija (Carranglan), at northern portion ng Zambales (Santa Cruz, Candelaria)