“Bakit hindi? Pero huwag nating pangunahan. Nasa edad na sila,” ang sunod-sunod na reaksyon naman ni Ate Vi sa tanong namin kung gaya ba ni Gabby Concepcion ay naisip na rin niyang bagay sina KC at anak na si Luis Manzano?
Noon kasing kinunan namin ng pahayag si Gabo sa presscon ng “When The Love Is Gone”, nabanggit nitong though wala siyang naririnig na anumang negatibong bagay kay Paulo Avelino na nakaka-date ni KC, sinabi din nitong wish niyang ang gaya ni Luis ang maging close friend (or deeper than friendship ) ng anak na si KC.
Simple kasi ang paliwanag ni Gabby, sobra ang respeto at pagmamahal niya kay Ate Vi bilang isang dakilang kaibigan at kilala na nito ang buong pamilya ng aktres, naniniwala daw ang aktor na namana ni Luis ang mga ganu’ng bagay sa ina.
Positibo naman itong tinanggap ni Ate Vi dahil aniya, “Nakikita ko namang napalaki din nila ng maayos at matino si KC. Pero gaya ng lagi kong sinasabi, pagdating sa mga ganyang bagay, hinahayaan ko si Luis. Pero masarap ngang isipin ‘no?”
( Photo credit to Google )