GAYA namin, hangad din ni Gov. Vilma Santos na magkaroon ng matino at mabusising accounting at auditing ang lahat ng mga donasyon na ipinaaabot ng ibang bansa, at kahit mismo ng mga kababayan natin para sa mga biktima ng bagyong Yolanda.
Sa araw-araw kasi nating pagtutok at pagsali sa mga telethon at panawagan ng mga donasyon, hindi talaga maiiwasang itanong ang maayos at may sistemang pagde-deliver ng mga relief goods, much more ay yung mga donasyong sa gobyerno natin ipinaabot.
“Grabe na po talaga ang mga pangyayari sa atin. It’s not that we wish those people na sana ay maranasan din nila yung naranasan at nararanasan pa rin ng mga biktima ng mga kalamidad for them to realize na ang tulong para sa mga ito ay nararapat na iabot sa kanila at hindi yung nababalitaan nating anomalya.
“Masakit na masakit na ang mga pangyayari, huwag na naman sanang pagsamantalahan pa ng ilan,” ang bahagi ng reaksyon ni Gov. Vi nang makaharap namin sa kanyang birthday cum press meeting na ibinigay ng The Generics Pharmacy.
Isa rin sa maiinit na isyu na sinagot ng Star For All Seasons patungkol naman sa kanyang showbiz career ay yung balitang ang kanyang kumareng si Superstar Nora Aunor ay baka mahirang nang National Artist.
Sey nito, “Yung ma-nominate pa lang ay malaking bagay na. Well-deserve yun para kay mareng Guy. Alam naman nating lahat ang kanyang accomplishments sa industriya.
Kaya sa mga gustong manggatong ng intriga at gawan pa kami ng isyu dahil diyan, naku naman po, puwede ba tama na.”
Isa nga sa mga very recent na realizations niya sa buhay ay yung pagkaka-rediscover niyang sobrang iksi pala talaga ng buhay.
Naikuwento niya ang nangyari sa kanyang biyenan, ang ina ng asawang Sen. Ralph Recto na nagbakasyon lang sa Cambodia kamakailan, pero biglang pumanaw.
“Nakakabigla, nakakagulat dahil ang saya-saya din naming nagbabakasyon sa Japan at nagkakausap pa kami (sa phone) tungkol sa mga pinamili niyang mga sapatos, mga pasalubong at iba pa, tapos biglang nagpaalam na, sa isang iglap, nawala.
Kagaya ng nangyari sa mga kababayan natin sa Tacloban, sa Leyte at sa iba pang lugar sa Kabisayaan, masaya o simpleng namumuhay ang mga kababayan natin doon, then all of a sudden, dumating si Yolanda, then what?
Libo-libo ang nawalan ng kabuhayan, daan-daan ang namatay. “Ano ang sinasabi ng mga pangyayaring ito? Na masyadong maikli ang buhay para sayangin lang sa pagpatol sa mga intriga o pagsisintir sa mga problema.
Hindi natin sinasabing mas mapalad tayo at dapat na maging masaya dahil ligtas tayo. Hindi, ang trahedya walang pinipiling kasarian at estado sa buhay.
“Ang sinasabi ko, masyado ng maraming mga bagay na dapat gawing positibo at pagtuunan ng pansin at tulungan kesa pumatol pa sa mga bagay na gaya ng intriga o mga tsismis,” paliwanag ng butihing Gobernadora.
Hindi nagkaroon ng anumang birthday celebration si Ate Vi last Nov. 3. Bukod sa may pinagdaanan ang kanyang pamilya, kahit daw ang kanyang mga tao sa Kapitolyo ay nakiisa sa kanyang hangad na maging simple.
“Pizza lang,” hirit nito sa simpleng merienda na inihanda sa kanya bilang pag-alala sa kanyang ika-60 kaarawan. Mas appreciated daw niya ang effort ng mga kababayan na nagpapahatid din ng tulong sa mga nasalanta ni Yolanda kahit may mga lugar din sa kanilang probinsya ang naapektuhan.
At dahil nag-birthday nga siya, talaga raw mas tumitindi ang clamor sa kanya na maging PRESIDENTE. Talaga raw gustong karirin ni Sen. Ralph Recto ang gawin siyang pangulo ng mga SENIOR CITIZENS sa lalawigan ng Batangas.
Ha-hahaha! “Ayoko pa,” ang natatawang tugon daw niya. Na pwede naman dahil she doesn’t look her age talaga. We love you dearest idol friend-mareng ate Vi! Sana nga’y mas humaba pa ang iyong buhay para marami ka pang maligaya.
( Photo credit to Google )