ALL out support si Rayver Cruz para sa kanyang girlfriend na si Julie Anne San Jose na napiling calendar girl ng isang sikat na liquor brand.
Sa pamamagitan ng Instagram Story, masayang ibinandera ng aktor ang kanyang paghanga sa sexy photo ng singer-actress.
“Congratulations, my love! So proud of you! Mismo! I love you!” caption niya sa post.
Baka Bet Mo: Ellen: Boobs ko lang ang fake, lahat sa katawan ko di pa nagalaw!
Bukod diyan, nagkomento pa siya sa shinare ng Sparkle GMA Artist Center na ipinapakita ang 2025 calendar ni Julie Anne.
Ang wika niya sa comment section, “Super deserve!” na may maraming emojis ng smiling face with hearts, red heart at fire.
Sa isang panayam sa media, inamin ng aktres na tila “rebirth” ang pangyayaring ito sa kanya.
“This feels like a rebirth as a woman,” saad ni Julie Anne.
Dahil bago pa man siyang maging calendar girl ay kilala siya sa karakter bilang Maria Clara sa hit historical series ng GMA Network na “Maria Clara at Ibarra.”
Ayon sa kanya, nais niyang i-explore ang pagiging artista kaya bukas siya sa iba’t-ibang oportunidad na dumarating sa kanyang karera.
Chika niya, “Ako naman, as an artist, I really want to portray different worlds. I like to do different things. I like to innovate. I like to improve myself when it comes to my craft.”
“So, I really want to parang hasain pa kung ano pa ‘yung makakapagpabuti para sa craft ko,” aniya pa.
Kung matatandaan, ang calendar girl last year ng nasabing brand ay ang aktres na si Heaven Peralejo.