Janine Tugonon isa nang ganap na ‘mommy’, isinilang ang 1st baby

Janine Tugonon isa nang ganap na 'mommy', isinilang ang 1st baby

PHOTO: Instagram/@tugononjanine

OPISYAL nang naging nanay si Miss Universe Philippines 2012 Janine Tugonon.

Isinilang na kasi niya ang panganay nila ng French partner na isang baby girl!

Ang good news ay ibinunyag mismo ng beauty queen sa kanyang Instagram Stories kamakailan lang.

Una niyang ipinost ang kanyang selfie habang buhat ang newborn baby.

Ngunit mukhang hindi pa siya handang isapubliko ang itsura ng anak kaya ito ay tinakpan na muna niya ng emoji.

Baka Bet Mo: AJ Raval nanganak na raw sa isang ospital sa Pasig, nagtakip pa ng mukha para hindi makilala?

PHOTO: Instagram Story/@tugononjanine

Kasunod niyan ay nag-post siya ng isang mirror selfie habang nag-e-exercise sa treadmill at ni-reveal na siya ay nanganak via CS o Cesarean section.

“Five days post CS,” caption niya.

Sey pa niya, “Taking it slow lang. Walking is good for circulation daw.”

PHOTO: Instagram Story/@tugononjanine

Ibinandera rin ni Janine ang litrato ng kanyang partner na buhat ang kanilang anak.

Wika pa niya riyan, “Cute nila [emoji] Tulog muna ko guys [emojis].”

PHOTO: Instagram Stories/@tugononjanine

As of this writing, hindi pa niri-reveal ng first time mom ang pangalan ng kanyang first baby.

Magugunita noong Hunyo lamang nang inanunsyo ng beauty queen na siya ay buntis.

“Exciting times, new goals set and new season in life ahead,” saad niya sa isang IG post.

Kung matatandaan, si Janine ang itinanghal na first runner-up nang lumaban sa Miss Universe 2012 pageant at ang top winner ay nakuha ni Olivia Culpo na pambato ng United States.

Read more...