Julie Anne San Jose ginulat ang madla, from Maria Clara to calendar girl

Julie Anne San Jose ginulat ang madla, from Maria Clara to calendar girl

WALANG pagdadalawang-isip na tinanggap ng Kapuso singer at actress na si Julie Anne San Jose ang maging 2025 calendar girl para sa sikat na liquor brand.

Sa naging panayam ng dalaga sa media sa nagdaang launching ng bagong calendar girl ng naturang brand, inamin ng aktres na tila “rebirth” ang pangyayaring ito sa kanya.

“This feels like a rebirth as a woman,” saad ni Julie Anne.

Bago pa man ang kanyang pagiging calendar cover sa naturang liquor brand ay tumatak sa madlang pipol ang karakter na ginampanan niya sa hit historical series ng GMA Network na “Maria Clara at Ibarra” kung saan siya gumanap nilang si Maria Clara.

Baka Bet Mo: Vice bumanat sa isyu ni Julie Anne sa simbahan: Charot lang, kayo naman!

Dahil rito at ay nausisa siya kung anong feeling from being a Maria Clara to calendar girl.

“Oh my God, it’s total change, it’s total 360. Coming from Maria Clara to me being one of the calendar girls for Ginebra San Miguel, para siyang total different worlds,” lahad ni Julie Anne.

Dagdag pa niya, gusto raw niyang i-explore and kanyang career bilang artist kaya bukas siya sa iba’t ibamg oportunidad na dumarating.

Chika ni Julie Anne, “Ako naman, as an artist, I really want to portray different worlds. I like to do different things. I like to innovate. I like to improve myself when it comes to my craft.

“So, I really want to parang hasain pa kung ano pa yung makakapagpabuti para sa craft ko.”

Si Julie Anne ang naging kapalit ng aktres na si Heaven Peralejo na naging calendar girl ng naturang liquor brand ngayong taon.

Read more...