HINDI man aminin ni Pokwang pero halata raw na parang nakikipagkompetensiya ito sa mga titulo nina Ai Ai delas Alas and Eugene Domingo dahil nakikihilera nga ito sa linya ng dalawa sa pagkokomedya.
But do you think it’s true that Pokwang is competing with them? Kasi matagal nang isyu iyan and Pokwang has always denied that. Sa pagkakaalam ko, idol pa nga niyan si Ai Ai but I don’t know kung type niya si Uge.
“Hindi naman aamin iyan na gusto niyang maki-level sa dalawa dahil it won’t look for her. Malayo naman kasi, kumbaga, nasa itaas na si Ai Ai at sinusundan naman ito ni Uge while she is so far away from them.
Even her style of comedy is very amateuric. Hindi innate sa kaniya ang pagiging komedyana, hindi natural. Effort kung effort unlike Ai Ai and Uge.
“Si Ai Ai, tatayo pa lang sa entablado ay nakakatawa na kahit hindi magsalita. Parang may sarili siyang magic. Si Uge naman, pag umarte at nagsalita na, kahit effortless pa ito, ay hahagalpak ka na dahil sa galing sa timing.
Si Pokwang idinadaan sa pasirko-sirko at kung anik-anik na gimik at pag tumama sa timing tsaka ka pa lang matatawa.
“Very ordinary ang dating niya, parang toilet na toilet ang humor.
Iyan ang pagkakaiba nila kaya ang layo niya sa dalawa. Kaya huwag na siyang maki-level, magpasalamat na lang siya dahil marami siyang jobs. Pasalamat siya dahil artist siya ng Talent Center kaya di siya nawawalan ng trabaho.
Kung napunta siya sa ibang management baka waley siya,” anang isang nagmamarunong. Ha-hahaha! What do you think? Ako? No comment na lang. Nakakapagod kasing mag-react.
Baka kasi di ako bigyan ni Pokey ng Christmas gift next month pag nag-comment pa ako. Ha-hahaha! Basta ang masasabi ko lang, bidang-bida siya sa pelikulang “Call Center Girl” na malapit nang ipalabas.
Mapanood nga para malaman kung toilet nga ang atake ni Pokwang sa comedy.
( Photo credit to Google )