Chelsea nasa Mexico na para sa Miss Universe 2024: ‘Our queen has arrived!’

Chelsea nasa Mexico na para sa Miss Universe 2024: ‘Our queen has arrived!’

PHOTO: Instagram/@missuniverseph

NASA Mexico na ang ating pambato na si Chelsea Manalo para sa culminating activities ng 2024 Miss Universe pageant.

Magugunitang nanatili muna sa Los Angeles, California ang Pinay beauty queen bago magtungo sa nasabing hosting country.

Sa Instagram ng Miss Universe Philippines Organization, makikita ang pagrampa ni Chelsea na suot ang knee-length mustard yellow na Filipiniana dress na gawa ng Pinoy designer na si Cary Santiago.

Kasama pa nga niya sa video ang ilang kandidata ng international competition na pambato ng Iceland, Ukraine, at Trinidad and Tobago.

Baka Bet Mo: Chelsea aprub kay Pia bilang bagong Miss Universe PH: Deserving winner!

“HOLA, MEXICO! Our Queen, Miss Universe Philippines 2024 Chelsea Manalo has touched down and is ready to take on the Universe!” saad sa caption.

Sa Instagram page naman ni Chelsea, masaya niyang ibinandera ang pa-welcome note ng hotel na kanilang pag-iistayan.

Ang roommate niya ay si Miss Universe Peru Tatiana Calmell.

PHOTO: Instagram Story/@manalochelsea

Samantala, nanawagan ang MUPH sa publiko na iboto si Chelsea sa fan vote ng “Voice for Change” challenge upang automatic na makapasok sa finals.

“The BAYANIHAN for the CROWN starts now! Let’s make CHELSEA MANALO No. 1 in the fan vote and Voice for Change challenges to increase our chances of taking home the crown!” saad sa IG post.

Ani pa, “Kaya natin ‘to!”

Aabot sa 120 candidates ang makakalaban ni Chelsea upang makuha ang korona kay reigning Miss Universe Sheynnis Palacios.

Mangyayari ang coronation night sa November 17, oras ng Pilipinas.

Read more...